Yuta
Pabalik na ako ng classroom no'n nang mapatingin ako sa isang bulaklak na nasa paso na naka lagay sa balcony ng school namin. ito 'yung gusto ni Sydney. tulip bulb. nalipat ang tingin ko sa dalawang nag uusap sa garden ng school. napakunot ang noo ko nang makita ko si Ten at Sydney
seryoso ang mga mukha nila at nakita ko pa ang iritang ekspresyon kay Sydney. ano kaya ang pinag uusapan nila? close pala sila? 'yung mga kwento kasi ni Ten parang hindi sila mag kaibigan ni Sydney
"hoy hapon" napatingin ako sa nag salita no'n at ito nanaman 'yung mga gunggong na walang magawa sa buhay. kawawa, laging mga bored sa buhay. "balita ko pinopormahan mo daw si Ria ah?" maangas na sabi 'nung isang hanggang ngayon aay naliligo parin sa gel
"ano naman sayo?" nakangisi kong tanong
"hala akala ko ba si Xia?" biglang sabat 'nung isa na naging dahilan ng pag kunot ng noo ko. si Xia? popormahan ko? wow nakakatawang isipin na may nag aakala ng ganon porket close kami.
"baka pati si Nikeesha pinopormahan mo 'din? trip mo rin shota ng kaibigan mo?" nakangising tanong ulit 'nung naka-gel "gaano ka ba kauhaw sa babae?"
"uhaw sa babae? wala sa vocabulary ko 'yan kasi sila ang lumalapit saakin" ngumisi ako nang sabihin ko 'yan atsaka lumapit sakaniya at kitang kita ko ang irita sa mukha niya "sayang 'di mo nararanasan 'yung ganon. hayaan mo na, sobrang hirap kaya maging gwapo" mas lalong lumawak ang pag ngisi ko atsaka umalis sa harapan nila
"oh 'san ka galing?" napatingin ako sa nag salita no'n at si Xia pala. nag kibit balikat lamang ako no'n atsaka tumango sakaniya para ibalik ang tanong sakaniya "galing lang office. nag labas ng sama ng loob" sabi niya sabay pakita ng lighter niya
"baka pati lungs mo lumabas na niyan" tumawa lang siya doon sa sinabi ko "tara na sa classroom"
Sydney
"sorry late" napatingin ako sa nag salita at si Ten pala "ano ba dapat nating pag usapan?" tanong niya kaya tumayo ako no'n para maging kaharap siya
"gaano mo na katagal na kaibigan si Yuta?" tanong ko sakaniya at nakita ko ang pagtaas niya ng kaliwang kilay
"bakit bigla kang interesado?" umirap ako no'n bago mag salita
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...