Yuta
"Who wants to volunteer on buying ingredients? may kasama naman kayong isang instructor" sabi ng prof namin. nakakatawa yung mga blockmates ko kasi biglang nag iwasan ng tingin. halatang mga ayaw mautusan "okay kung wala maybe I should pick nalang" tumingin si Ma'am sa ipad niya no'n nag scroll scroll "Nakamoto"
"wuy" bulong ko na medyo malakas kaya natawa yung mga katabi ko. tsk nautusan pa
"ma'am! mag volunteer po si Ria!" napatingin ako kay Nikeesha na nakataas pa ang kamay nang masabi niya iyon at agad na nanlaki ang mata ni Sydney dahil sa sinabi ni Nikeesha. tumawa lang ako ng mahina no'n dahil di na ata nag function ang utak niya at di na siya naka-ayaw pa
"okay Mr. Nakamoto and Ms. Conde will do it. hindi naman madami ang ipapamili, also you can use the van" tumayo na ako no'n at lumapit kay ma'am.. binigay niya 'yung listahan pati na rin ang pera atsaka ako lumabas.
Pag labas ko ay nakita ko si Sydney na naka-sandal sa pinto ng van "kaya mo naman na siguro 'yan mag-isa diba? wag mo na ako isama" sabi niya sabay irap pero ngumti ako atsaka lumapit sakaniya. agad naman niya akong tinignan ng masama dahil sa sobrang lapit ko sakaniya "lumayo ka nga!"
"hindi ba't nag volunteer ka daw? tara na?" ngumiti pa akong muli kaya iniikot niya ang mata niya. tumawa lang ako no'n atsaka ko siya pinag buksan ng pinto. pumasok naman siya no'n atsaka ako sumunod
"pwede ba wag ka tumabi saakin?"
"pwede bang mag save tayo ng space Sydney?"
"nakakainis ka talaga Nakamoto" madiin na pagkakasabi niya atsaka siniksik ang sarili sa pinaka-dulo. umupo lamang ako no'n atsaka nag hintay sa driver at sa kasama daw namin na instructor.
"hindi ka ba giniginaw?" random kong tanong atsaka tumingin kay Sydney. nakatingin lamang siya no'n sa bintana habang naka-halumbaba
"may jacket ako" sagot niya na hindi tumitingin saakin
"bakit ikaw ba tinatanong ko?" biro ko sakaniya kaya tumingin siya ng masama saakin. ganda talaga!
"isa pa talaga Yuta ibabaon na kita sa lupa" gigil niyang sabi atsaka bumalik sa pwesto niya. tumawa lang ako no'n atsaka tinignan siyang muli. marami 'mang nag bago sakaniya, nakikita ko parin yung dating Sydney "nakakairita ka na Yuta" sabi niya na hindi tumitingin saakin
"masama ka bang tignan?" pagka-tanong ko no'n ay pumasok na ang driver at yung isang instructor. sinabi niya lang na pupunta na daw kami sa bayan dahil doon daw may palengke. nice matagal kong makakasama si Sydney!
**
Bumalik ako sa table no'n kung saan nag hihintay si Sydney at ang mga pinamili namin. nag CR pa kasi yung instructor namin at mukhang sa kabilang dayo pa ata ng probinsya 'yon
umupo ako sa katapat na upuan ni Sydney at nilapag yung smoothies "inom ka muna. wag ka mag alala libre 'yan"
tumingin siya doon sa smoothies na nilapag ko sa lamesa sabay tingin saakin na blanko ang ekspresyon ng mukha "niloloko mo ba ako Yuta?" hindi ko alam kung double meaning ba 'yang pagkakasabi niya o kung ano pa 'man pero ang sakit
"hindi. bakit pa? bakit ko uulitin 'yung kagag-han ko dati?" seryoso kong sabi pero umiwas siya ng tingin saakin. hindi naman nag bago ang ekspresyon ng mukha niya "may game ako" muli naman siyang tumingin saakin no'n kaya ngumiti ako "paunahan tayo makaubos ng smoothies at kung sabay tayong matapos edi kung sino nalang unang ma-brainfeeze. pag natalo ka makikipag date ka saakin pag balik natin sa Cavite"
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...