233 5 0
                                    

Yuta






Tumingin ako sa harap ng bahay nila Sydney. ganoon parin ang itsura no'n tulad ng dati pero nag iba na ang kulay at mas lalong dumami ang halaman sa paligid. parang nag flash back bigla lahat nung highschool palang kami ni Sydney.


Those days when we were still together, those days when I only look at her. those days when I wasn't tired of her. those days when I haven't f-cked up everything yet


bumigat bigla yung pakiramdam ko no'n at parang pinipiga yung puso ko. tumalikod na ako para umalis nang biglang may tumawag saakin "Yuta? Yuta? ikaw ba 'yan?" hindi ko alam kung lilingon ba ako o tutuloy nalamang? "Yuta! ikaw nga!" nagulat ako nang maka-labas na ang step mother ni Sydney at masayang naka-tingin saakin na may halong gulat at tuwa habang naka-hawak sa balikat ko


ngumiti ako ng maliit no'n dahil bigla akong kinabahan


"sabi na nga ba at tama akong ikaw ang nakita ko! pasok ka muna!" umiling ako no'n at magsasalita na sana pero agad kumapit si tita sa braso ko "halika na! wag ka na mahiya!" halos kaladkarin na ako ni tita papasok sa bahay nila at wala na akong nagawa no'n dahil nakatapak na ako eh. wala na


ngumiti saakin si tita no'n at pinaupo ako sa sofa nila. tumingin ako sa paligid at nag bago na rin ang ayos ng bahay nila. dati halos dito na ako tumira at kabisadong kabisado ko na nga dito. ako pa nga nagsa-saing dati dito eh. pero dati 'yon. iba na ngayon


"Nandito si Yuta!" halos mapatalon ako dahil sa gulat nang sumigaw si tita at wala na pala siya sa paligid. sht pinagpapawisan palad ko! napatayo ako nang may marinig akong mga hakbang pababa at buti nalamang ay si tita 'yun "dito ka lang Yuta ha? hintayin mo lang si Sydney. mamamalengke lang ako. dito ka na kumain ng dinner. bawal tumanggi okay?" agad na umalis si tita na bahagyang sumasayaw pa


lumabas na kaya ako? kaso sinong magbabantay dito? hindi sinara ni tita bahay nila eh? eh kung isara ko nalang? o mag sabi na ako kay Sydney na aalis ako? tama ganon nalang nga ang gagawin. nag clean throat ako no'n para lumakas ang boses ko pero parang nalunok ko yung laway ko nang may marinig akong tahol at isang poodle ang tumakbo saakin at agad na kinagat ang pants ng uniform ko


"Takoyaki!" wala na akong pakialam sa tono ng boses ko pero ang saya ko nang makita ko yung poodle na niregalo ko dati kay Sydney. agad ko iyon binuhat at dinilaan ako ni Takoyaki sa pisngi. tumahol muli ang aso at winagayway pa ang buntot niya. ganito siya pag nakikita kami ni Sydney eh. tuwang tuwa "namiss kita sobra!" pagka-kausap ko sakaniya at umupo muli sa sofa. tumahol naman ito saakin


sobrang na-miss ko 'tong si Takoyaki. binili ko pa ang asong ito sa Japan dati. sobrang liit niya pa noon ngayon mukhang spoiled dahil ang bigat bigat!


"Haitatchi" (high-five) pinakita ko kay takoyaki ang palad ko at nakipag high-five naman siya saakin. agad kong ini-scratch at bandang ulo niya "totemoii" (very good) 







Sydney





narinig ko na umalis no'n si tita at gusto niyang dito mag dinner si Yuta. ano ba naman sht 'yon diba!? tsk di ako makakatanggi kay tita pag dating sa pagkain. pero kung sabihin kong masama pakiramdam ko at di ako makakain mamaya?


binuksan ko ng dahan dahan yung pintuan ng kuwarto ko at sumilip. well, tanga ko dahil hindi ko nakikita ang nasa living room. lumabas ako ng kuwarto ko no'n at sumilip sa bandang hagdan. sapat para makita ko si Yuta na tumitingin sa paligid


para akong ninja dito na may pagka-stalker. nakakainis kasi bakit nakita ba ni tita 'yang Yuta na 'yan!? di naman kami magka-street!


nagulat ako nang lumabas si takoyaki na tumatahol at sobrang bilis niyang naka-baba! gusto kong sumigaw na bumalik siya dito pero napalunok nalang ako sa laway ko at narinig ko pa ang gulat na boses ni Yuta. 


napa-pikit ako no'n dahil sa frustration. paano pag isipin niyang kaya ko inaalagaan parin si takoyaki dahil miss ko pa siya!? dahil mahal ko pa siya!? yuck no way!


huminga ako ng malalim no'n bago muling sumilip. nakita kong nakikipag laro si Yuta kay takoyaki no'n at kitang kita mong tuwang tuwa siya dahil sinusunod parin siya ng kamukha niyang aso. ay hindi, mao-offend si takoyaki. mas cute yung aso


"ay palaka!" agad akong napatakip ng bibig ko no'n nang mapa-sigaw ako at nahulog yung isa sa tsinelas ko sa hagdanan. great Ria! so great! napa-pikit akong muli sa sobrang inis ko sa sarili ko. narinig ko na natahimik naman sa salas no'n. malang nagulat 'yon


tumayo ako no'n at huminga ng malalim. agad akong bumaba no'n at nakita ko ang bahgyang pag laki ng mata ni Yuta pero agad siyang tumayo at binitawan si takoyaki pero umikot ikot lang ito sa bandang paanan ni Yuta "hinahanap ko kasi siya. sabi na at nandito sa baba" umiwas ako ng tingin no'n


"ah.. sorry, akala ko alam mong bumaba siya" mahina niyang sabi. "aalis na pala ako. pakisabi nalang kay tita na may kailangan akong gawin. sorry ulit" tumingin ako sakaniya no'n. hindi ko siya binigyan ng kahit anong emosyon kaya lumabas na siya. sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng bahay


napa-upo ako sa upuan nang umalis na siya. nakakainis. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. gusto ko siyang sipain pero sayang lang sa oras. wala naman akong pakialam sakaniya


napa-tingin ako kay takoyaki no'n na tumatahol sa pintuan. na-miss siguro si Yuta


napatingin ako sa pinto nang makita ko si tita "oh, nasaan na si Yuta?" takang tanong niya


"may gagawin daw po siya. tayo nalang po kumain ng luto niyo" ngumiti ako kay tita no'n at tumango naman siya no'n kaya tinulungan ko na siya sa mga bitbit niya



I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon