十三

162 2 0
                                    

Sydney






"Pasa mo kay Nakamoto!" rinig kong sigaw ng isa kong blockmate at sinunod naman siya nung taong sinabihan niya. nang mapunta na kay Yuta yung bola ay parang chill lang siya sa pag lalaro niya dahil ang dali nilang nakaka-goal


"lodicakes talaga si Yuta!" sabay yakapan nila. umiling nalamang ako at napatingin kay Nikeesha at Winwin na may pinapanuod ata sa cellphone ng huli. dahil masakit sila sa mata ay kay Xia ako tumingin pero nanunuod siya sa mga naglalaro ng soccer at ngiting ngiti


"kailan ka pa nahilig sa soccer? hook na hook ka ah" sabay siko ko kay Xia pero nakangiti parin siya habang nanunuod


"baliw tignan mo kasi ang galing kaya nila! magaling pala si Yuta mag soccer?" sabi niya atsaka tumingin saakin. nag kibit balikat ako at umiwas ng tingin. naramdaman ko ang pag siko saakin ni Xia kaya iritado ko siyang tinignan "parang highschool 'to! crush mo 'yon no'?"


"wow ha! asa siya" sabi ko sabay irap at tumingin muli sa mga nag lalaro ng soccer. gano'n parin mag laro si Yuta. magaling parin siya mag laro. ace siya dati nung highschool kami. kaya nga maraming nagkakagusto sakaniya. sobrang daming pumupunta pag may laro. di ko naman siya crush noon. wala nga akong pakialam. siya yung nang gulo sa buhay ko. siya yung nanligaw. siya yung nanloko.


"idol Yuta!!!" sigaw ng mga blockmates naming nag laro ng soccer at nakita kong tumatakbo si Yuta no'n sabay tingin sa gawi namin at ngumiti. hindi sa nag a-assume ako pero sino pa ba ang ngingitian niya sa gawi namin diba? alanganaman si Xia? wag niya lang talagang subukang lapitan si Xia. malalagot siya saakin


"okay guys! get ready and we're heading back at the rest house" sabi ng prof namin kaya nagsitayuan na kami no'n at pumunta sa na rin ang mga nag laro ng soccer sa loob ng parang cottage kung saan nila nilagay ang bag nila


hinanap ko yung cellphone ko sa bulsa ko at nakita ko naman iyon agad. pag pindot ko sa isang app ay post agad ni Ten ang nakita ko




Ten Lee with Yuta Nakamoto

Just now

ngayon lang ulit nakapag soccer! เหนื่อย (tired)

ngayon lang ulit nakapag soccer! เหนื่อย (tired)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon