十二

169 1 0
                                    

Yuta






"bakit ba kasi kailangan mo pang pag pilitan 'yang sarili mo sa taong paulit ulit nang sinasabi na ayaw ka na niya sa buhay mo. masokista ka ba Yuta?" napatingin ako sa nag salita at kasabay no'n ang pagbuga niya ng usok


"paano kung ganon nga ako?" gusto kong mag tunog biro 'yon pero masyado atang seryoso ang mukha ko nang sabihin ko 'yon dahil nakita ko ang pag ngisi niya


"maupo nga tayo" sabi ni Xia sabay upo sa bato na naroon kaya tumabi naman ako sakaniya "ilang beses nang sinabi sayo ni Ria na maayos naman siya kahit wala ka sa tabi niya?" tanong niya sabay buga ng usok


"ikaw, ilang beses ka nang nakikinig sa usapan ng may usapan?" tumawa ako no'n kaya sinuntok niya ako sa braso "aray!" inda ko habang tumatawa pero real talk ang sakit ng suntok niya "edi alam mo na pala?"


tumingin siya saakin no'n sabay tango niya at bumuga ulit ng usok mula sa sigarilyo niya sabay tingin sa malayo "gaano mo ba kagusto si Ria?"


"kung gaano karami ang tubig sa pacific ocean" 


"sa tingin ko kahit isang drop ng tubig hindi na kayang maibigay sayo ni Ria. sobrang tigas na ng puso niya" tumingin ako sakaniya habang sinasabi niya yo'n


"mas matigas sa--"


"alam kong bastos sasabihin mo kaya itigil mo 'yan" tumawa ako nang pigilan ako ni Xia sa pag sasalita ko. gusto ko lang mag biro. masyadong masakit sa puso e. "bakit kayo nag hiwalay ni Ria?" tanong niya sabay tapon sa sigarilyo niya sabay tapak 'don


"akala ko kinuwento sayo ni Sydney?"


"masyadong pa-mysterious ang babaitang 'yon. mukha ba akong mapagkakatiwalaan kaya akala mo sasabihin saakin ni Ria?" tumingin siya saakin habang nakangisi kaya ngumiti ako ng bahagya


"hindi ka naman siguro magiging kaibigan ni Sydney kung hindi ka mapagkakatiwalaan" pagkasabi ko no'n ay kumuha siya muli ng stick ng sigarilyo at sinindihan 'yon "nag susunog ka ba ng baga?"


"wag mo na ako intindihin. ikwento mo nalang nangyari sainyo. ayos lang din kung ayaw mo" hindi ko alam kung nambabanta ba itong si Xia oh ano. pero kung sabihin ko sakaniya baka matulungan niya ako kay Sydney


"sabihin mo na gusto mong sabihin. alam kong t-nga ako pero niloko ko dati si Sydney" tumingin ako sa sahig no'n habang sinasabi ang mga salitang 'yon. sobrang t-nga ko dati


"g-go ka pala" tumawa siya ng bahagya no'n. alam ko naman. aware ako


"masyado akong nagpadala sa tukso. Sydney is such a package deal. running for valedictorian siya nung highschool kami. lagi siyang nananalo sa mga contest na sinsalihan niya. the way she speaks to everyone is too soft that it can make your heart melt. pero ewan ko. puso ko lang ata yung natunaw" tumawa ako nang sabihin ko 'yon "pero mahiyain siya, she tends to right what she really wants to say. mahilig siya sumulat ng mga tula"

I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon