Yuta
"hindi ka ba uuwi?" bumuntong hininga ako no'n nang marinig ko ang tanong ng ate ko. tsk ang kulit "hay nako Yuta sinasabi ko sayo"
"Momoka!" irita kong sabi sakaniya
"anong Momoka!? ate mo ako hoy baka nakakalimutan mo! bahala ka, kung hindi ka uuwi sa Osaka kami ang uuwi diyan. sayonara otouto" [goodbye little brother]
mag sasalita pa sana ako pero agad niya akong binabaan. hilig talaga ako bwisit-in ng kapatid ko no'? "oh bakit mukha kang nabagsakan ng langit at lupa?" napatingin ako sa umakbay saakin no'n at si Ten pala
"ah 'yung kapatid ko kasi pinapauwi ako" sabi ko at nakita ko lang ang pag tango niya. may sasabihin sana siya no'n pero narinig naman si Winwin na sumisigaw at patakbong lumapit saamin "oh bakit madaling madali ka?"
"may acquaintance party daw tayo!" may pag hingal niyang sabi
"huh? parang ang late naman para mag acquaintance party? matatapos na sem pero ngayon lang?" tanong ni Ten. tama naman siya. diba ang acquaintance party dapat sa simula ng sem kasi syempre di mo pa sila close at doon nga kayo magiging close?
"hayaan mo na! KJ nito. may susuotin na ba kayo? kung wala sabay ako sainyo! pag mama ko pipili baka baduy nanaman" natawa kami no'n sa sinabi ni Winwin
"sa Manila maraming bilihan na maayos. kailan niyo ba balak mamili? kailan daw ba 'yan?" tanong ko at tinignan 'yung papel na kanina pang hawak ni Winwin. poster ito para sa acquaintance party sa course namin. bago mag christmas break hmm
"intindihin nalang muna natin ang papalapit na exam. marami tayong time bumili" sabi naman ni Ten
"wow daming time oh"
Sydney
"ayoko sumali sa ganyan" sabi ko lamang habang nakatingin sa cellphone ko. nasa office pala kami ngayon. kakalabas lang ni Winwin dahil siya ang nautusan ng tita ni Xia para mag dikit no'n sa mga bulletin board ng classrooms
"KJ ni Ria! sali na!" pag pipilit ni Nikeesha
"baka di sila mag enjoy at matakot kay Ria" natatawang sabi ni Xia kaya inirapan ko siya. tinapon niya 'yung sigarilyo niya atsaka umupo sa isa pang mini sofa "pero sayang 'din 'yon 'no" dagdag niya pa
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...