Sydney
"uy sama tayo sa fieldtrip ha!" sabi ni Nikeesha habang nakangiti sa cellphone niya "hala may charger ka ng blackberry Xia?" tanong niya naman habang nakabusangot sa harap ng cellphone niya na lowbat na
"luh walang nagamit ng blackberry dito. bakit di ka kasi nagdadala ng charger?" sabi lang ni Xia sabay labas ng kwarto niya. sana kumuha siya ng pagkain. gutom na ako
"di ko naman kasi alam na pupunta tayo dito sa bahay niyo huhuhuhu" malungkot na sabi ni Nikeesha. oo tumambay muna kami dito sa bahay nila Xia. walang magawa eh "ay pahiram nalang ng phone mo Ria! sabihin ko lang kay Winwin na lowbat na phone ko"
kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan 'yon sabay bigay sakaniya. tumitig lamang ako sa kisame dahil wala akong magawa. tumayo ako no'n at pumunta sa gilid ng tv na nasa kwarto ni Xia at tumingin sa mga CD doon. ano ba magandang panuorin?
"uy hala Ria na-open ko chat ni Yuta!" nagulat ako nang sabihin 'yon ni Nikeesha. hindi ko alam kung hahablutin ko ba cellphone ko sakaniya pero baka isipin ng huli na may tinatago ako. Buti nalamang ay inabot niya saakin yung cellphone ko
tinignan ko yung screen ng phone ko at nag chat nga si Yuta
● Yuta Nakamoto
Active Now
Yuta: inaalagaan ko ng mabuti si takoyaki!
Ria: bakit mo nilagyan ng ribbon?! tsaka wag ka nga bigla biglang nag c-chat!
agad kong in-archive yung message niya para hindi na makita ni Nikeesha "na-chat mo na ba si Winwin?" tanong ko. ang awkward ata ng tono ng boses ko nakakainis talaga yung hapon na 'yon!
"oo thanks! ikaw ah! bakit na kay Yuta si takoyaki?" mapang-asar na tanong ni Nikeesha kaya tinignan ko siya ng masama "ito naman galit agad! ano bang meron sainyo no'n?" inirapan ko siya bago ako sumagot
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...