Sydney
matapos kong mag ayos para pumasok sa school ay pumunta ako sa kwarto ko pero wala doon si Yuta. nasa cr kaya? tinignan ko yung cr na nasa loob ng kwarto ko pero nakapatay ang ilaw doon.
lumabas ako no'n at bumaba "tita, umalis na si Yuta?" tanong ko nang maupo ako sa dinning table
"ah oo. maaga siya umalis. kinuha niya rin si takoyaki. sabi niya nag paalam siya sayo" sabi ni tita habang hinahainan ako ng pagkain. tumango naman ako no'n.
di na kasi gumising si Yuta kagabi kaya hinayaan ko na siyang matulog sa kwarto. wag kayong mag alala dahil sa kwarto ako ni tita natulog. no way na tatabihan ko yung hilaw na hapon na 'yun.
matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang plato ko at umakyat sa kwarto ko para bigyan ng pagkain si sushi. ni-pet ko siya no'n para maging close na kami. may dala rin si Yuta na parang maliit na cage but not a cage kasi mukhang doll house para dito kay sushi
tumayo na ako no'n at kinuha ang bag ko sabay baba na para lumabas ng bahay. "aalis na po ako" pagpapaalam ko kay tita at lumabas na ng bahay pero napatigil ako nang makita ko si Yuta na nakasandal sa poste ng street light "anong ginagawa mo dito?"
agad siyang napatingin saakin at ngumiti sabay tanggal niya ng earphones niya "nandiyan ka na pala. bakit ako nandito? sinusundo ka" naka-ngiti parin siya no'n habang nag sasalita kaya umirap ako. nakakainis
nilagpasan ko lamang siya no'n at dumiretso nang maglakad papuntang sakayan. well, walking distance lang naman yung school pero gusto ko na agad makarating sa school para di na ako dikitan nitong Yuta na 'to
"isa nalang aalis na! Miss sakay na!" natuwa ako nang sabihin nung manong na isa nalang kaya agad akong sumakay. doon ako sumakay sa dulo, sa tabi ng pinto para madaling makababa. well, good thing mga taga-school namin ang nakasakay dito kaya alam nila ang gagawin nila
"sabit nalang ako kuya. male-late na ako eh" napatingin ako sa sumabit no'n at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yuta. baliw na ba 'tong tao na 'to!?
"hala diba si Yuta 'yan?"
"hala kawawa naman sumabit"
"ang gwapo niya parin"
"cute ni crush!"
tumingin ako sa mga nag bubulungan at agad naman silang tumigil kaya napa-irap ako. gusto na atang mag suicide nitong si Yuta. baliw na talaga 'to. tsk di ko nalang siya papansin. bahala siya sa buhay nya
nagulat ako nung gumalaw si Yuta dahil muntik na siyang mahulog kaya napahawak ako sa kamay niya. "papakamatay ka ba!?" inis na tanong ko sakaniya pero ngumiti lamang siya saakin
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...