二十八

133 2 0
                                    

Sydney






napatingin ako kay sushi at takoyaki nang maghabulan sila sa loob ng kwarto ko. huminga ako ng malalim atsaka kinuha si sushi para ilagay sa bahay bahayan nila. pag nagsimula na 'yang si takoyaki, hindi na niya titigilan si sushi. parang ewan naman kasi si Yuta. may aso dito tapos magbibigay ng pusa. tsk


bumalik ako sa upuan no'n at naramdaman ko ang pag lambing ni takoyaki. tinignan ko lang siya kaya naman ginalaw niya ang buntot niya. "bakit ang sakit mong tignan ngayon?" tinaulan niya lang ako at patuloy ang pag galaw niya ng buntot niya


"takoyaki, halika" napatingin ako kay tita no'n nang marinig ko siya atsaka niya kinuha si takoyaki nang lumapit ito sakaniya "nandiyan si Nikeesha sa baba. papapasukin ko na ha?" tumango ako no'n at narinig ko naman ang foot steps at pagpapasalamat ni Nikeesha kay tita bago isara ang pinto ng kwarto ko


"nandito ako para maki-aral sayo" sabi niya at umupo sa kama ko atsaka nilabas ang mga libro niya. finals na namin kaya nag aaral kami. malapit na mag bakasyon. kaonting pag hihintay nalang


"bakit hindi kayo ni Winwin ang mag aral?" tanong ko habang umiikot sa swivel chair ko


"di ko parin maintindihan 'yung nasa isip niya. cool off muna" napa-taas ako ng kaliwang kilay ko no'n  nang marinig ko ang mga salitang iyon sakaniya "maka-taas naman 'to ng kilay. may mga bagay talaga na kailangan ng pahinga" sabi niya at ngumiti. tinignan ko lamang siya no'n dahil kahit naka-ngiti siya ay alam kong hindi naman talaga siya masaya


"funny thing na 'yung mga close ko 'yung nawawala. ikaw nalang nag stay" sabi ko atsaka umikot para makaharap muli 'yung study table ko 


"Ria, alam kong, mas close ka kay Xia, nag dadalawang isip pa nga ako dati kung magfi-fit in ba ako sainyong dalawa. pero di lang ako nag fit in, naramdaman ko kasi na parang kapatid ko na kayo. you're important to me Ria kaya di ko kayang iwan ka. as much as possible, pipilitin kong intindihin ka"


hindi ako nakatingin sakaniya nang sabihin niya 'yon. humigpit ang hawak ko sa ballpen ko no'n bago mag salita "I think i'm not worthy of your thoughts Nikeesha. ang dami kong tinatago sainyo. maiintindihan ko rin naman kung umalis ka. i know i'm selfish. i really know"


"Ten stayed. mas matagal na kitang kaibigan kaysa sakaniya, kaya mags-stay din ako"






Yuta






"Momoka" mahinang tawag ko sa kapatid ko pero narinig naman niya ako no'n dahil tumingin siya saakin. hinarap ko naman sakanya 'yung cellphone ko "sino 'tong nasa wallpaper ko?" tanong ko at nakita ko ang pag ngiti niya

I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon