Chapter 1

4.7K 143 126
                                    


SKY'S POV.

Alam niyo yung nakakainis?

Lahat!

Lahat ng bagay nakakainis!

Yung kinauupuan kong upuan, yung lamesa sa harap ko, yung kutsara, tinidor, plato, pagkain, inumin, table napkin, baso, dumadaan na waiter, mga tao sa paligid, yung bwisit na fancy restaurant na 'to at lalong lalo na ang lalaking nasa harapan ko. Sya ang pinakanakakainis sa lahat ng nakakainis!

Ang lawak lawak ng ngiti niya habang nakangalumbabang nakatingin sakin. Dinala nya 'ko dito sa restaurant na 'to pagkatapos kong malaman na banned na 'kong lumabas ng bansa, at buhatin paalis sa airport na 'yon.

Kinuha ko ang tinidor at tinutok sa kanya, "Stop staring."

"Ang brutal mo 'no? Nanunutok ka agad bago magsalita? Ganyan ka ba talaga?"

"Oo." ngumisi ako. Ngayon maturn off ka nang lintik ka.

Sumimangot sya at napaisip, "Kung ganon edi..."

Sige, ganyan nga.

"..edi magiging masokista ako para sayo!"

Tangina.

Nabato ko sa kanya yung tinidor na hawak ko.

"Aray!"

Hehe.

Sinamaan nya 'ko ng tingin at parehong tingin ang sinukli ko. Mukha kaming tangang nagtatagisan ng masamang tingin dito. Kaya nagulat na lang kami nang may waiter na nadulas sa gilid namin.

"S-Sorry po.. Ma'am, Sir.. Sorry po."

At umalis na sya.

Kaya siguro siya nadulas ay dahil hindi niya maalis ang tingin saming dalawa. Weird? Oo. Kung titingnan kasi ang paligid ay puro couples ang nandito na sobrang tamis sa isa't isa. Kaya hindi na 'ko magtataka kung nawe-weirduhan samin ang mga waiter.

"Pati ba naman lalaki nahuhumaling sakin? Tsk, tsk, tsk." napatingin ako sa harap nang magsalita siya. Napatingin rin sya sakin at saka ngumisi. "Kita mo yun? Kahit sino, mapalalaki o babae, nahuhumaling sakin! Kaya dapat magpasalamat ka dahil sayo ako nagkagusto."

"Tss."

Hindi ba talaga mawawala sa sistema niya ang kahanginan? Mahal na mahal ang sarili. Narcissist!

"Biruin mo? Itong lalaking 'to, ang sobrang gwapong lalaking 'to, nagkagusto sayo? Iba ka, Shrek! Ang swerte mo sobra! Para ka nang nanalo sa lotto kaya dapat alagaan mo 'ko." nakangiting sabi nya habang tumataas-taas ang kilay. Nginiwian ko sya at nagsimula na lang kumain, hindi sya pinapansin. Nakita kong napasimangot sya pero kumain na lang din.

Nakakaramdam parin ako ng inis. Hindi mawawala yun, lalo na sa kanya. Uwing-uwi na 'ko sa japan, kahit hindi ako excited, gusto ko na rin talagang umuwi. Tapos malalaman kong hindi pala ako pwedeng lumabas ng bansa? Umeksena pa 'tong uwak na 'to sa gitna ng maraming tao? Tapos ang lakas pa ng loob na buhatin ako palabas? Bwisit.

Gusto ko na talagang umuwi.

Pero wala na 'kong puntod na dadalawin. Kasi nandito sya, hindi isang puntod, kundi buhay na tao. Humihinga, naglalakad, nagsasalita, nabubuhay.

Nabubuhay sya noong mga panahong iniiyakan ko ang pagkamatay nya. Buhay na buhay sya habang ako unti-unting nawawalan ng buhay.

Whew. Ano bang pinagsasasabi ko? Bwisit na stake 'to. Ang tigas kasi. Lumamig na dahil sa tagal kong kainin.

"Bakit galit na galit ka sa pagkain?"

Umangat ang tingin ko sa kanya at nagsalubong ang kilay. Nginuso nya naman ang pagkain ko.

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon