Chapter 11 - A heart

2.1K 101 38
                                    


SKY'S POV.

"Ghyll?"

"Hmm?"

"Aren't you afraid to die?"

"Reign... Everyone's afraid to die. Even the strongest person who says that he isn't afraid of anything will be afraid when he is in the death's doorsteps."

Napa-peke ako ng tawa nang pumasok ang sandaling 'yon sa isipan ko. Nilanghap ako ang malamig na hangin at tumitig sa mga kumikinang na bituwin sa madilim na kalangitan.

Ngayon ko na lang ulit nagawa 'to. Ang maghanap ng mataas na building at i-challenge ang sarili na makapasok at umakyat sa rooftop nang walang nakakakita o nakakapansin. Humiga sa malamig na sahig, gawing unan ang sariling braso, magdekwatro, at panoorin ang pagkinang ng mga bituwin sa kalangitang nababalutan ng dilim.

Napabuntong-hininga ako.

Ngayon ba... takot ka pa bang mamatay, Sky?

Dati, oo. Takot akong mamatay. I know what you're thinking... I was trained to kill yet I am afraid of death? Tss. Takot akong mamatay hindi dahil sa alam kong walang langit at impyerno. O kung meron man, malamang diretso impyerno ang punta ko. Hindi dahil alam kong parang natutulog lang ako, pero pang-habang buhay na at hindi na magigising pa. Takot ako dahil nangako ako na ipaghihiganti ko ang lolo ko, na sisingilin ko ang kumuha ng buhay niya.

But...

Natapos ko na. Ngayon ba, hindi na 'ko takot mamatay?

Hindi ka na ba takot mamatay?

Napatay ko na ang mga pumatay kay Gramps, napagbayad ko na siya... pero bakit parang hindi parin sapat?

Nalaman kong ang akala kong patay na, patuloy palang nabubuhay habang unti-unti akong namamatay. Ang taong mahal ko, buhay siya at masaya siyang nabubuhay. Diba dapat masaya ako? Pero bakit mas masakit pang malaman na buhay siya kaysa noong namatay siya?

Pero ang mas masakit pa, hindi ko ito magawang ipakita. Hindi ko ito magawang mailabas.

Hindi ko kaya.

Dahil tinuruan akong wag magpakita ng emosyon.

I was forbidden to feel anything for emotions will lead me to my self-destruction.

Hinayaan ko nang magpakita ng emosyon sa isang tao noon, pero hindi na ngayon. Dahil tama si Gramps, I should supress my emotions or it will lead me to my demise.

And now? I am not afraid of dying anymore. Even if the death itself knocks on my door and steps on my doorsteps... I'm not afraid anymore. There's nothing else to lose anyway.

Right?

I heaved out a deep sigh and closed my eyes. Pinakiramdaman ko ang paligid at maya-maya ay umupo ako mula sa pagkakahiga sa semento at tumingin sa isang madilim na bahagi ng rooftop.

"Show yourself." malamig kong sabi sa taong 'yon na kanina ko pa nararamdaman. Kanina pa sya nandito kasama ko, pero hindi sya kumikilos. Parang pinapanood niya lang ako. Malas nga lang niya dahil kanina ko pa sya nararamdaman. Malakas ang pakiramdam ko. Dulot nang pagkulong sakin ni Gramps noon sa isang madilim na kwarto sa loob ng limang oras, wala kang makikita sa loob ng kwarto, para kang nakapikit. Ginagawa niya yun kapag nakakagawa ako ng mali, mga bagay na ayaw niya, at naiintihan ko siya. Natulungan ako non na mapakiramdaman ang paligid kahit wala akong nakikita. "I said, show yourself." pag-uulit ko pa.

Narinig ko ang mahinang pagkaluskos. Mukhang gumalaw siya dahil ngayon ay naaaninag ko na ang outline ng bulto ng isang tao. I hissed bago tumayo, pero bago pa man ako makahakbang papalapit ay may matalim na bagay na mabilis na lumipad patungo sa direksyon ko. Nagulat ako pero mabilis akong nakaiwas.

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon