SKY'S POV.
"Sky! Gising na, maaga ang alis natin! 8 AM nandun na yung bus! Bangon na! Bumangon ka na!"
Umagang-umaga, bunganga ni Callixta ang bubungad sa'kin. Ang lakas-lakas na nga ng boses, pinaliguan pa 'ko ng laway niya. Bakit ba napakaagang magising ng mga taong 'to? Natutulog pa ba sila? Yung totoo, nag-aadik yata 'tong mga 'to, eh -,-
"SKAHAAAAY!!"
Antok na antok kong kinuha ang punyal ko sa ilalim ng unan ko at hinagis 'yon sa direksyon niya. She yelped in surprise pero wala akong pakialam. Nakakunot ang noong tumayo ako at ini-stetch lahat ng limbs ko sa katawan.
Sarap.
Nang maka-recover si Calli ay agad niya akong binulyawan, "Grabe ka naman! Buwis buhay yung stunt mo, ah! Buti na lang talaga mabilis ang reflexes ko! Paano na lang kung si Jenna pala ako o isa sa kambal? Mapapatay mo pa sila, jusmiyo marimar! Bakit ka nanghahagis na lang bigla ng patalim?!"
Tiningnan ko siya, bored look, at sumagot, "Your fault."
"My fault?! Because I woke you up? Eh paano na lang kung hindi pala ako ag gumising sayo?! Ha?!"
Nagkibit-balikat ako, "Don't worry. Ginawa ko lang naman 'yun dahil alam kong ikaw 'yan."
"Wow. Humahanga ka ba sa reflexes ko?" nangingiti niyang tanong.
"Hindi naman," walang gana kong sagot at saka humikab, "Hindi ko lang talaga kayang saktan yung tatlo."
Bumagsak naman ang panga niya at umakto na nasasaktan, "Anong point mo? Na kaya mo akong saktan?! Ako, na best of friend mo, na nakasama mo in sickness and in health?! To love and to cherish!? Till death do us part?!"
"Urusai."
"Hindi ka talaga mabuting kaibigan!"
"Hindi rin naman ako mabuting tao."
"A--" magsasalita pa sana siya pero siya na rin ang nagtikom ng bibig niya. Bumuntong hininga siya at nagkamot ng pisngi, mukhang nailang sa sagot ko. Talaga naman. "S-Sige, bumaba ka na lang pag nakabihis ka na, may nakahain nang almusal 'don sa lamesa."
"Ge." sagot ko at kumuha na ng damit saka pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Bumaba na rin ako pagkatapos at gaya nga ng sabi ni Calli, nakahain na ang almusal. Umalis na raw ang kambal para magpractice, si Jenna ay nag-aayos ng gamit at si Calli ay kinakalikot ang phone niya habang nakatambay sa sala. Nakabili na 'ko ng bagong tv, all thanks kay Calli na siyang mas concern pa sa'kin. Wala daw kasi syang mapag-abalahan kapag tumatambay sya rito.
Umupo agad ako at nagsimulang kumain.
Hindi ko talaga alam kung paano nila ako napapayag na sumama sa three-day vacation na 'yon ng buong basketball team. I mean, basketball player ba 'ko? Sabi magsama ng kaibigan, kaibigan niya ba 'ko? Basta ang alam ko na lang, ine-empake na nila ang mga gamit ko para bakasyon na 'yon sa isang beach-resort na pagmamay-ari ng mga Benims. Hindi naman sila bata para kailanganin ng chaperone. Hays. At buti pumayag yung tatay ni Uwak na sumama ako? Eh mas mainit pa sa araw ang dugo sa'kin 'non, eh. Tss.
Nang matapos kumain ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at pumunta sa sala saka tumabi kay Calli, na agad namang napatingin sa'kin. Tumaas pa ang isa niyang kilay nang makita ang suot ko.
"Sa beach tayo pupunta, hindi sa baguio. Bakit ganyan ang suot mo?"
Tiningnan ko naman ang damit na suot ko. Malaking long-sleeve na kulay grey, denim pants at sneakers. Inayos ko ang salamin ko na dumudulas sa ilong ko at tiningnan siya, "Anong mali sa suot ko?"
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...