REX'S POV.
Kanina pa sya tulog, kanina ko pa rin siya pinapanood. Nakasandal ang ulo niya sa bintana at halatang kulang siya sa tulog. Mukha nga siyang pagod, eh. Nakaramdam tuloy ako ng guilt, konti lang. Pwede naman siyang magpahinga sa pupuntahan namin, eh. Banayad ang paghinga niya pero nakakunot ang noo niya. Mukhang hindi siya kumportable sa posisyon niya, kaya naman maingat kong nilagay ang ulo niya sa balikat ko. Nakaakbay na 'ko sa kanya ngayon para suportahan ang katawan nya.
Ako ang dumadamoves, pero ako rin ang kinikilig.
Pakshet na kulay violet.
Napailing na lang ako at hindi ko mapigilang ngumiti ng malawak at bumungisngis. Ang cute kasi naming tingnan 'nong makita ko ang itsura namin sa rear-view mirror. Naramdaman ko rin ang kamay niya na kumapit sa damit ko. Sinandal ko ang ulo ko sa ulo niya at pumikit din.
Hindi ko talaga alam kung anong ginawa sa'kin ng babaeng ito at bakit ganito ako ka-adik sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero lahat ng gawin niya, bawat pagtingin niya, bawat buka ng bibig niya para magsalita, at bawat araw na dumadaan, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
She's not even my type. I mean, just look at her. She's cold, she talks carelessly, she's blunt, she's not expressive, she care less, she has no sense of humor. Yes, she's pretty, but there are MORE beautiful girls out there---way more beautiful and sexier than her! She doesn't even wear proper clothes--- and when I say proper clothes, I mean, not oversized clothes! Just like what she's wearing right now.
Pero kahit ano pang ganda at sexy ng mga babae sa paligid ko, siya at siya pa rin ang nagsa-stand out para sa'kin. Meron sa kanya na talagang hinihila ako papalapit sa kanya. Parang may magnet sa katawan niya na tanging sa'kin lang tumatalab at hindi ako makalayo sa kanya. Sa isang kwartong puno ng mga nagagandahang babae, iniimagine ko nang may imaginary neon lights sa tuktok ng ulo niya nakaturo sa kanya kaya madali ko siyang makikita. May something sa kanya na hinihigop ang buong sistema ko. Alam nyo 'yun? Syempre hindi. Hindi naman kayo ako :p
Pero kahit ano pang suotin niya-- kahit garbage bag pa 'yan, o kahit limitado lang ang emosyon na pinapakita niya. Kahit gaano pa siya ka-manhid at ka-insensitive magsalita minsan, at kung minsan ay ang slow-slow nya rin, gustong-gusto ko pa rin sya. I have no idea what she did to me, but I only know one thing... I am so into her. She's driving me crazy and even crazier every minute-- every second that passes.
I am so in love with her.
"At wala na 'kong ibang mahihiling pa... kundi ang mahalin mo rin ako." bulong ko sa hangin.
Alam kong may trust issue siya at it's hard to mend. Sabi nga ni mommy, it takes years to build trust and only seconds to destroy it. So we have to avoid breaking someone's trust because it's not easy to take back, to fix it. But I'm here by her side naman to prove myself that I will never ever going to break her trust--- and especially her heart.
At hindi naman ako ganon kahirap mahalin. Tsk. Kahiya naman sa kanya 'no! Ako kaya si Rex Zerric Marqus! Who wouldn't love me? Only nonliving things. Right? Tehehehe.
"Sir, nandito na po tayo."
Doon ko lang napansin na nakahinto na ang kotse. Bumaling ako kay Shrek at mahinang tinapik siya sa malambot niyang pisngi para gisingin sya.
"Shrek, nandito na tayo. Wake up." bahagya kong inangat ang ulo niya at inayos ang dumudulas nyang salamin sa mata. Kumunot naman ang noo niya at saka dahan-dahang idinilat ang mga mata. Ilang beses pa siyang napakurap, siguro ina-adjust ang paningin o pwede ring dahil sinusiguro niya kung ako nga ba ang nakikita nya o isang anghel. Which is mahirap talagang i-distinguish since mukha talaga akong anghel. Naging matunog ang pagngiti ko. "Shrek, hindi ka pa patay. Wala ka sa langit at hindi ako anghel." pangbungad na pambi-bwisit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...