REX'S POV.
"Shrek,"
"Oh?"
"Kailan ang birthday mo?"
Tumigil siya sa paglalaro ng buhangin at napatingin sa'kin. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. Bakit parang natigilan yata siya? Wag niyang sabihing, hindi niya alam kung kailan birthday niya? Aba, ibang level na ng katangahan 'yon! Hahaha. Joke.
Magkatabi kaming nakaupo sa bungahinan, hindi directly sa buhanginan dahil may beach blanket kaming inuupuan na nagsisilbing sapin habang nasa ilalim kami ng isang malaking beach umbrella.
Hindi kalayuan sa amin ay yung mga kasama namin na busy sa paglalaro ng volleyball. Yung iba naman ay nagbababad at naglalaro na sa dagat. Ayaw ni Shrek na gawin ang kahit ano sa dalawang 'yon dahil mas gusto daw niyang magpahinga kaya bilang isang gwapo at sweet na manliligaw, sinamahan ko sya. Diba ang sweet?! Hehe.
Umupo ako mula sa pagkakahiga nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Wag mong sabihing hindi mo alam?"
Nagkibit-balikat siya at saka bumalik sa paglalaro ng buhangin. Bumagsak naman ang panga ko saka hindi makapaniwalang tiningnan siya.
"Di nga?!" gulat na tanong ko. "Seryoso? Hindi mo alam?"
"Hindi ko na maalala." simpleng sagot niya na parang wala lang sa kanya 'yon. Ano bang klaseng tao 'to? Anong pinagkakaabalahan niya sa buhay at kahit birthday niya hindi niya maalala?
"Seriously? Hindi mo talaga maalala? Paanong--- Wow." napapailing na usal ko. "Ikaw lang ang taong nakilala kong hindi naaalala ang birthday niya."
Tumingin naman siya sa'kin at kinunutan ako ng noo na parang siya pa ang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Kailangan ba?" she spat.
"Oo naman!" sagot ko. "Wag mong sabihing hindi ka nagce-celebrate ng birthday mo?"
Bahagya niyang tinabingi ang ulo niya at tumingin sa kung saan na parang nag-iisip, saka siya muling tumingin sa'kin. "Kailangan ba?"
What the hell.
"Syempre naman 'no!" sagot ko saka inayos ang pagkakaharap sa kanya at pumostura na parang nagpapaliwanag ako sa isang musmos na bata. "Ganito kasi 'yan, Shrek. Normal lang sa'ting mga tao na sine-celebrate ang birthday natin dahil iyon ang araw kung kailan tayo pinanganak! Unless, hindi ka naniniwala kay God kasi mostly sa mga non-believers, hindi talaga nagdidiwang ng birthday."
"I see no reason to celebrate the day we were born. It's just another day." she said nonchalantly.
Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa kanya. "Alam mo kasi, it is the time where we take a few minutes, hours or an entire day to take stock of your life, your people, and most importantly, count your blessings. And I am thankful that at the excuse of my birthday, I expressed the importance of their presence in my life, and vice versa. I now know, at that moment in time, I had mattered to them. I also know that just because they aren't here does not mean they have been erased forever. I'd rather feel grateful for having been loved and cherished, for being given the life I now lead, for the friends who are part of my life now and who went to such great lengths to make me feel special." ngumiti ako. "Like you." huminga ulit ako ng malalim saka sumeryoso. "On my birthday, I count my blessings for what I have today before I lose it, and what I had yesterday. Dapat ganon ka rin."
She snorted, na para bang isang biro ang sinabi ko at para bang hindi siya naniniwala dito. "Why should I be happy... Why should I be thankful for the thing that I didn't even ask?" tila naghahamon na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...