Chapter 14 - Heiwajima Shindo

2K 69 10
                                    


SKY'S POV.

Nagpalipas ako ng gabi sa mansyon ni Seal, parehong napagod at nakatulog na lang sa office nya sa pagtatrabaho. Nagsend ako ng text kay Calli na doon muna matulog, tutal nandun naman ang extra niyang uniform na hindi niya nauwi noong nagsleepover sya sa apartment noong nakaraan. Noong nagising lang ako narealize na sa sofa pala ako nakatulog at si Seal naman ay nasa office desk parin niya, humihilik. Tumayo ako at nag-inat saka bumaba upang uminom ng tubig. Pagbalik ko ay gising na rin sya at nagyaya na munang kumain bago kami pumunta sa Maever Mental Asylum.

"Mag-formal ka." aniya pagbalik namin sa office pagkatapos naming kumain. May binato siyang damit sa'kin na mabilis ko namang nasambot.

"Formal?" takang tanong ko. Ngumisi naman sya habang may kinakalikot sa drawer niya.

"Police agents tayo ngayong araw." sagot niya saka kumindat. Nagkibit-balikat na lang ako at saka pumunta sa banyo niya para mag-shower at makapagpalit ng damit.

Pagtapos maligo at makapagdamit ay sinuot ko ang salamin at tinali sa isang bun ang buhok ko. Sabi ni Seal, maglagay daw ako ng make up kaya nagmake up ako. Sinalubong ko sa hallway si Seal na nakaayos na rin. Sabay na kaming naglakad pabalik sa office niya at kumuha ng mga gagamitin. Syempre, hindi ako aalis na wala ang punyal ko na isinuksok ko agad sa likod ng waistband ko. Nakita ko rin ang revolver na nakuha ko kagabi sa aparador ni Glades sa shelf ng mga baril ni Seal. Ang ganyang klaseng baril ay siguradong magugustuhan ni Grid.

"After this, pupuntahan natin si Leonard Sodeman." anunsyo ni Seal habang naglo-load ng isang magazine. Lumapit ako para kumuha ng handgun.

"Nandito siya sa pilipinas?"

Kinasa niya ang baril at itinutok sa kung saan, "Fortunately, all of them are."

I cocked my head sideways, "Them?"

"Eigengrau." sagot niya habang may ngisi sa labi.

"Oh," usal ko saka tumango. At muling tumingin sa kanya, "Who's Leonard Sodeman, by the way?"

"The Painter." sagot niya saka sinuksok ang baril sa coat na suot niya, mukha siyang cosplayer ni Sherlock Holmes sa itsura niya. May hat pa talaga ay shades -,- "Oh, bakit ganyan ka makatingin?"

Umiling ako, "Wala. So? Bakit the painter?"

"Obviously, dahil painter siya." he snorted. Sinamaan ko siya ng tingin pero humagikgik lang sya na parang bata. "According to my research, inaayon niya ang pagpatay ng victims niya sa mga paintings niya. His taste in art is a bit... creepy. You'll find out once we get there. Also, yung pinturang gamit niya sa pagpipinta ay may halong dugo ng mga biktima niya. Kaya sobrang mahal ng mga paintings niya at talagang tinuturing niya bilang kayamanan niya."

I scoffed, "So the bastard is a sentimental type, huh."

Natawa sya sa sinabi ko. "Yeah, I guess."

"But why do we have to go after this man?" tanong ko. Tumaas ang kilay nya as if saying 'why not?'. I shrugged, "I mean, we already know where the white flower killer is."

"You're right." sang-ayon niya saka humalukipkip at tumingin sakin, "Pero hindi tayo sigurado kung siya nga ang culprit."

"Naze?" tanong ko ulit.

"Dahil nasa loob siya ng isang mental asylum. Paano mo idedescribe sa akin kung paano niya nagagawang makalabas sa isang asylum at magpabalik-balik? Sinubukan kong pasukin ang security system nila pero masyado iyong secured. Na kahit ang pinakamagaling na hacker pa sa buong mundo, hindi madadalian sa pagpasok."

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon