Chapter 20 - Sudden Shortage of Sanity

2K 80 45
                                    


SKY'S POV.

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan kong mangyari ang mga 'to. O hayaan na gawin niya ang mga bagay na 'to. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na mas makabubuti sa aming pare-pareho na umiwas na lang ako, na pigilan siya at sabihing tigilan niya na ang mga kalokohan niya.

Kasi hindi pwede.

Kasi hindi na tama.

Pero bakit hindi ko magawa?

Dahil ba sa ibinibigay na pakiramdam ng mga ginagawa niya? Na imbes na iwasan at pigilan ko, hinahanap-hanap ko pa?

That feeling... I wanted it.

No, more like, I needed it.

But it was all wrong. Not the feeling, nor the person who was making those feelings. But the situation, it was making this whole thing wrong.

Fuck it.

"Shrek?"

Naputol ang pagmumuni-muni ko at napatingin kay Rex, na nakatingin sa'kin ngayon nang may halong pagtataka at pag-aalala.

"What?" taka kong tanong.

"Are you okay?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko, "Yeah, why?" tanong ko ulit. Nakatingin naman siya sa'kin with pure amusement. Ano namang nakakatuwa?

"Para kasi sa kaalaman mo, mahal na prinsesa. Nandito na tayo kanina pa at kanina ka pa rin nakatayo dyan. Medyo--- medyo lang naman, nakakahiya sa kanila." nagpipigil ng tawang tinuro niya ang mga tao sa labas ng elevator na nakatingin sa'kin.

Nakaharang pala ako -,-

"Ah." usal ko saka kaswal na naglakad at nilampasan sila. Narinig ko naman ang panghihingi ng pasensya ni Uwak sa mga taong pinaghintay ko at naramdaman ko siyang sumunod sa'kin--- rinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.

Tuwang-tuwa ang loko.

Paglabas ko ng hotel ay bahagya akong napapikit dahil sa masyadong maliwanag na sikat ng araw. Tirik na tirik. Tanghaling tapat na.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napaangat ang tingin ko at binigyan ng nange-ngwestyong tingin ang walangyang 'yon.

"Ano sa tingin mo---"

"Maganda ka sa paningin ko kaya wag ka na magtanong. Tara, dadalhin kita kung nasaan sila. Mukhang wala kang ideya kung saan, eh." he smirked at me, smugly. Ilubog ko kaya siya ngayon sa buhanging kinatatayuan niya? -,-

I'm still short-tempered, not good.

Hindi na 'ko sumagot at mukhang napansin rin niya 'yon kaya sinimulan niya na ang paghila sa'kin papunta sa kinaroroonan ng iba.

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ako pumayag na sumama dito. Eh di sana nandoon ako sa bahay ngayon, nakahiga at kumakain ng jelly sticks. Hays.

"As you can see, I'm not as ignorant as you. Kaya dapat habang nandito tayo, lagi kang nakadikit sa'kin. Naiintindihan mo ba? Ako ang magsisilbing tour guide mo at protection mo habang nandito tayo." nilingon niya 'ko at binigyan na naman ng nakakaasar na ngisi niya. Sa sobrang nakakaasar, ang sarap niyang hambalusin.

Ang init talaga ng ulo ko ngayon. Ang init kasi ng panahon. Bakit ba kasi ang init sa beach?! Bakit gustong-gusto ng mga tao dito? Mga taong walang katuturan.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Mukha mo."

"Gwapo." sabi niya sa tono'ng parang nagsasabi ng 'buti nga' -,-

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon