Chapter 2

3.3K 118 71
                                    


REX'S POV.

"Here's your mocha frappe, Sir."

"Thanks."

"Enjoy your stay!"

Nginitian ko ang babae at bumalik naman sya sa pagtatrabaho. Nandito ako ngayon sa cafe na malapit lang sa school. Napaaga ang pasok ko kaya naman napagdesisyunan kong pumunta muna dito at uminom ng frappe. Wala pa rin kasi yung tatlong tukmol at ayoko namang magmukhang loner dun dahil hindi bagay sa mga gwapong tulad ko 'yon. Diba?

At saka wala parin kasi ang babaeng bumubuo ng araw ko kaya medyo wala pa 'ko sa mood.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang mga dumadaang estudyante gaya ko habang ineenjoy ang masarap na frappe. My favorite. Pangalawa kay Shrek hehehehe.

'Wala kang aasahan sakin. Kaya ngayon pa lang, itigil mo na 'yan.'

Naalala ko naman ang sinabi niya kahapon. Sa totoo lang, nasaktan talaga ako dun. Para kasing sinasabi niya na hinding-hindi siya magkakagusto sakin kaya dapat ko na ring itigil ang kahibangang 'to dahil sa huli ay masasaktan lang rin ako. Psh. Alam ko naman na hindi nya 'ko gusto, pero wag namang ipamukha ng ganon. Ang mga gwapong tulad ko ay nasasaktan rin!

At masama bang umasa? Yun lang ang pinanghahawakan ko ngayon, e. Yung pag-asa.

Pero alam ko namang may nararamdaman rin syang attraction sakin, in-denial lang talaga siya dahil kailangan nyang panatilihin ang image nya na pagiging cool. Ma-pride!

Hahays. Sige, paniwalain mo pa ang sarili mo, Rex. Ang gwapo mo pero ang engot mo.

"Grabeeee! Ang gwapo nya talaga! EEeeeeekkkkK!"

"Oo nga! Kahit nakakunot ang noo nya, ang gwapo pa rin!"

"Hayyyy Rexy Baby. Kailan mo kaya ako mapapansin?"

See? Yan ang naririnig kong bulungan ng mga babae sa paligid. Buti pa sila, naappreciate ang kagwapuhan ko. Eh yung Shrek na yun? Lalakero na nga, wala pang taste! Nakakaawa ka Shrek. Wala kang ideya sa totoong definition ng art dahil hindi mo maappreciate ang walking art na gaya ko! Maawa ka naman sa sarili mo, Shrek. Masyado kang ignorante sa kagandahan sa mundo.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may makita akong pamilyar na tao sa labas. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya ng maigi.

"Kuya Ginn?" takang usal ko. Bakit sya nandito?

Napatayo ako sa kinauupuan ko at saka lumabas ng cafe para sundan si Kuya Ginn. Nakita ko syang pumasok sa school kaya naman binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko na rin inubos ang frappe ko at tinapon na lang yun sa nadaanan kong trash bin.

Pero pagpasok ko ay agad akong nagtaka nang hindi ko na sya nakita. Huh? Saan naman napunta 'yon? At anong ginagawa niya dito? Dinadalaw si Monster? Hmm baka nga.

Ay ewan.

Napalinga ako sa paligid at nakita ko sa mga benches yung tatlo kong kaibigan. Nagdadaldalan si Kennel at Lander habang nakatingin naman kung saan si Rave. Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay nanlaki ang mga mata ko.

Anak ng! Bakit sya nakatingin kay Shrek?!

Nagmamadali naman akong lumapit sa kanya at saka tinakpan ang mata nya.

"Yah! What are you doing?!" palag nya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa mga mata nya. At dahil natural na sakin ang pagiging matigas ang ulo, binabalik ko ulit yun tuwing tinatanggal nya. "Rex!"

"Oy Erd anong trip mo? Hahahaha!"

"Bitawan mo na at baka masapok ka ng libro nyan!"

Hindi ko pinansin yung dalawa dahil busy ako sa pagharang kay Shrek mula sa paningin ng weirdo na 'to!

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon