Chapter 25 - Scarred and Scared

3K 88 16
                                    


Click.

5...4...3...2...1...

"Anong pangalan mo?"

"Wala."

"Wala?"

"Wala akong pangalan."

"Hindi ka nila binigyan ng pangalan?"

"Tao lang ang may karapatang magkaroon ng pangalan."

"Hindi ka ba tao?"

"Hindi."

"Hindi ka tao?"

"Oo....Bakit? Ikaw ba, tao ang tingin sa'kin?"

"Ano sa tingin mo?"

"Tingin ko, hindi."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Dahil tao ka."

"Hmm... Malungkot ka ba?"

"Hindi."

"Anong nararamdaman mo?"

"Masaya ako."

"Bakit ka masaya?"

"Dahil patay na sila."

"Ang pamilya mo? Masaya ka dahil patay na ang pamilya mo?"

"Wala akong pamilya."

"Hindi mo sila tinuturing na pamilya?"

"Mali ka."

"Hmm... Kung ganon, ano?"

"Hindi nila ako tinuring na pamilya."

"Dahil ba hindi ka nila binigyan ng pangalan?"

"Hindi nila ako tinuring na tao."

"Minamaltrato ka ba nila?"

"Hah... Mas tinuturing pa nga nilang parte ng pamilya ang alaga nilang aso."

"Galit ka ba sa kanila?"

"Mahal ko sila."

"Mahal mo sila? Kahit minamaltrato ka nila? Kahit sinasaktan ka nila?"

"Mahal ko sila dahil tao sila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal ko ang mga tao."

"Pero bakit ka pumapatay ng tao?"

"Gusto mo bang makarinig ng kwento?"

"Makikinig ako."

"...Ilang taon na ang nakakalipas, sa isang bario ay may isang kilalang pamilya. Sila ang pinakamayaman sa lugar. Respetado at gustong-gusto sila ng mga tao dahil madalas silang tumulong sa mga nangangailangan. Kilala sila bilang isang napaka-relihiyosong pamilya. May limang anak ang mag-asawa  at ang bunso ang nag-iisang babae kaya tinuturing siyang prinsesa. Isang kayamanan na walang katumbas. Pero isang gabi, umuwi itong umiiyak at puno ng pasa't mga sugat sa katawan. Nagahasa siya. Sobrang galit ang naramdaman ng buong pamilya. Nalaman rin nilang ang gumahasa sa anak nila ay ang kilala at kinatatakutang mamatay tao sa lugar. Hindi nila nahuli ang kriminal dahil magaling itong tumakas kaya ang galit nila, natuon sa bunga ng kasalanan ng kriminal. Ang bata sa sinapupunan ng anak nila. Hindi nila pinalaglag ang bata, hinayaan nilang lumaki ang tyan ng anak nila hanggang sa ipanganak nito ang isang batang lalaki. Pero may kakaiba sa bata---hindi siya umaatungal. Nakatingin lang siya sa kanyang ina na para bang nararamdaman niyang hindi siya nito gusto. Na para bang nararamdaman niyang hindi siya tanggap sa mundo. Napatunayan niya 'yon nang lumabas ang unang salitang sinabi ng kanyang ina, "Ilayo niyo sa'kin ang bagay na 'yan!" Haha... Hahahahaha! Noon pa man, hindi na tao ang turing sa kanya. Dinala siya sa basement at pinaalagaan sa isang matandang hardinero na pagkalipas ng ilang taon ay namatay rin. Naiwan siyang mag-isa sa malamig na basement. Walang kasama, walang kausap---kundi ang mga boses sa ulo nya. Hindi siya kailanman umiyak o nagreklamo. Tinanggap niya ang lahat. Alam mo ba kung anong laman ng basement?"

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon