SKY'S POV.
"TAHAHAHAHAHAHA!"
Tsk.
"TAHA--TAHAHAHAHAHA!!"
Isa pa -,-
"TAHAHAHAHAHA--"
BLAG!!
"Hala ka, Sky! Ano yun?! Anong nangyare?!" gulantang na sigaw ni Jenna nang marinig ang malakas na kalabog na 'yon. Napatakbo siya mula sa kusina hanggang dito sa sala. Naka-apron pa sya. Inosenteng tiningnan ko lang sya kaya napataas ang kilay niya. "Anong nangyare ba?"
Tinuro ko yung TV.
"Hala!!!" react niya. "Bakit nasira?!"
"Binato ko ng remote." maang na sagot ko at hindi makapaniwalang tumingin naman sya sakin.
"B-Bakit?!"
"Si spongebob."
"Oh?"
"Naiinis ako sa tawa nya." salubong ang kilay na sagot ko. Nakangangang napatitig naman siya sakin at maya-maya ay malakas na natawa. Buset.
"Ang cute mo talaga. Hahaha. Pero sana nilipat mo na lang ng channel o kaya pinatay mo na lang." napakamot sya sa ulo at muling tiningnan ang kaawa-awang telebisyon. Parang namatayan yung hitsura nya. Baka nga sa isip nito pinagdadasal niya na yun, eh. 'May you rest in peace.' Hehehe. Nilapitan niya yun at tinanggal ang pagkakasaksak. "Buti na lang hindi sumabog."
Dapat nga sumabog, eh. Mas matutuwa pa 'ko dun kaysa sa engot na dilaw na sponge na yun. No thrill, no life.
"Hala! Yung niluluto ko!" biglang sigaw niya saka nagmamadaling bumalik sa kusina. Napabuntong hininga naman ako at saka tiningnan yung TV.
Wala na, sira na.
Wala nang pag-aagawan yung kambal.
Buti nga. Ang ingay nila, eh.
Naipit ko na lang ang parehong labi ko at saka inihiga ang ulo sa headrest ng couch na kinauupuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin nang maalala ko yung napanaghinipan ko kahapon. Nung dinala ako ni Uwak sa infirmary.
Flashback . . .
Mabilis akong tumatakbo sa isang masukal na kagubatan. Madilim ang paligid at tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko sa lugar. Tahimik, malamig, nakakakilabot. Wala akong marinig na ingay kundi ang paghampas ng malamig na hangin sa mga dahon ng puno at ang bawat paghakbang ko sa mga tuyong dahon na naapakan ko.
Mag-isa.
Mag-isa na naman ako.
Nasa dilim, malamig, tahimik. Binigyang buhay at ginawang literal ang naging buhay ko simula nang mawala sila. Simula nang mawala ang mga ilaw ko.
Parang sinasampal nito ang katotohanan na mag-isa lang ako.
"Ghyll!"
Nanlaki ang mga mata ko at napahinto sa tila walang katapusan na pagtakbo at saka nilingon ang likuran ko.
Doon... nakita ko sya.
Ang liwanag ko.
"R-Reign..." nanginginig ang mga labing naiusal ko sa hangin. Mahina lang yon pero alam kong narinig niya dala ng katahimikan ng paligid.
"Ghyll... Why are you crying?"
Right. I'm crying. Again, I'm crying. Why am I crying? I don't even know why.
Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang init niya. Niyakap niya 'ko. Isang mahigpit na yakap na para bang ayaw niya 'kong pakawalan. Pero imbes na mahirapan ay mas gumaan ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...