SKY'S POV.
Pagkatapos ng 'concert' na dinaos ay nag-wrap up na rin sila at dumiretso sa kwarto nila Kennel para bilangin ang nakalap nilang pera. Walang paalam naman akong lumihis ng lakad at pumunta sa banyo para maghilamos.
Tinanggal ko ang salamin ko at nilagay sa gilid ng sink saka ko binasa nang binasa ang mukha ko. Nang iangat ko ang mukha ko at makita ang repleksyon ko sa salamin ay napamura ako.
My face was still flushed.
Why did I smile?!
Why did I look at him like that?!
Why did I sing my heart out?!
JUST WHAT THE FUCK DID I DO?!
Hindi ako ganito. Hindi ako 'to!
At bakit nga ba ako pumayag in the first place?
Something must be wrong with me.
No... wait.
Something's DEFINITELY wrong with me.
Para bang bigla akong nawala sa sarili at may iba nang kumokontrol sa katawan at pag-iisip ko. Mukhang may hopeless romantic na multo na gumagala doon at dahil sa saktong-saktong opportunity na tumambad sa kanya doon, sinapian niya 'ko!
Peste. Hindi nga pala ako naniniwala sa multo.
Edi sana namatay na 'ko sa konsensya at takot sa dami ng pinatay ko. Tss -,-
Kumuha ako ng tissue paper sa isang cubicle at tinuyo ang mukha ko gamit 'yon. Nakalimutan ko kasing magdala ng panyo. At bakit ba hindi na lang ako sa banyo na nandun sa kwarto namin naghilamos?
Bwisit talaga.
Kinuha at sinuot ko na ulit ang salamin ko saka ko tinapon ang tissue sa trash bin at lalabas na sana nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae.
Syempre dahil female restroom 'to -,-
Nagkatinginan kami at natandaan ko kaagad ang mukha nya.
Keir.
Inalis ko ang tingin sa kanya dahil wala naman akong pake sa kanya o kung sino ba siya at lalampasan na sana nang bigla siyang humarang sa dinaraanan ko. Nasa doorway pa rin kasi siya. Blangko ang mukhang tiningnan ko siya pero hindi ako nagsalita.
Tsk. Bahalang siya ang unang magsalita. Nakakatamad, eh. At siya rin naman talaga ang kailangan magpaliwanag kung bakit hahara-hara siya sa pintuan.
Nakipagtinginan sya sa'kin ng ilang segundo at akala ko gusto niya pang patagalin 'yon at magpabahuan ng hininga pero nagsalita siya.
"Ikaw si Sky diba?" seryosong tanong niya. Kahit seryoso siya, mukha pa rin siyang mabait. Ano ba 'to.
Tumango ako at tinabingi ang ulo ko habang binibigya siya ng nagtatanong na tingin.
Ngumiti naman siya, "You're fake."
Diniretso ko ang ulo ko at binigya siya ng malamig na tingin. "Didn't know you're a fake detector." may bakas ng sarcasm sa boses ko.
"Hindi naman sa ganon." nakangiting umiling siya. "Nararamdaman ko lang."
Exactly what I said. Stupid.
"Good for you." walang interes na sabi ko saka tinabig siya para makadaan ako. Harang ng harang. Balak mo bang palitan yung pinto?! Feeling pinto ang putek.
"Sasaktan mo lang siya kapag pinagpatuloy mo ang pagpapanggap mo!"
Hinawakan niya pa ang braso ko para isigaw 'yon sa mukha ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya ng blangko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...