REX'S POV.
Nakangiting muli kong inayos ang pagkakalagay ng box na puno ng jelly sticks sa armchair ni Shrek. Sinadya ko na namang gumising ng maaga para lang isopresa ulit siya. Psh. Ang swerte niya talaga, sobra. Pinaglalaanan pa ng time at effort ng gwapong-gwapo na tulad ko ang surprise para lang sa kanya. Sana naman matuwa sya. Aba! Hindi lang ako gwapo at manly, sobrang sweet ko rin kaya. Boyfriend material yata 'to!
Naalala ko naman yung mga reaksyon niya kahapon. Nakakatuwa talaga sya. Hindi ko mapigilang mapangiti at mapahagikgik sa tuwing pumapasok sa isip ko 'yon. Oo, hindi man lang siya ngumiti buong maghapon na kasama niya 'ko---na dapat ginawa niya dahil ako si Rex Zerric Marqus at isa akong biyaya! Pero nakakatuwa talaga kapag naiinis sya, namumula kasi yung malambot nyang pisngi. Ang sarap ngang pugpugin ng halik kaso baka magalit saken kaya matinding pagpipigil ang ginawa ko.
Hay. Ewan ko ba, pero parang araw-araw yata nadadagdagan lang nang nadadagdagan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na 'ko magtataka kung paggising ko isang araw, mahal ko na sya.
Tsk, tsk. Ano bang gayuma ang pinainom mo sakin, Shrek? Bakit ganito na lang ako kaadik sayo?
Pfft. Ang bakla pakinggan tangina. Hehehehe.
Nakangalumbaba lang ako dun habang nakangiting nakatingin sa box na nilagay ko sa upuan ni Shrek. Naglagay na rin ako ng headset sa tenga ko at nagpatugtog para hindi naman ako ma-bored habang hinihintay ang ogre ng buhay ko.
Hehehehe.
Ang sarap sa tenga.
Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto. Ako pa lang kasi yung nandito sa room. Actually ako pa lang yung nandito sa school kasama ng mga maintenance. Akala ko si Shrek na ang pumasok pero--
"Oh? Erd! Bakit ang aga mo?" si Lander na mukhang nagmadali pang pumasok dahil medyo magulo pa ang buhok nya.
"Good morniiiing!" sunod na pumasok si Kennel habang may dalang malaking supot ng kettle korn. Kasunod niya ay si Rave na may hawak na libro at sandaling tumango lang sakin bilang pagbati.
Well, I texted them a while ago para naman may kasama ako dito.
Umupo sila sa pwesto nila at nagsimulang mag-ingay ang dalawa.
"Woooooow! Ano yun?" tumayo si Kennel at kinuha yung box na nasa upuan ni Shrek. Bago ko pa sya mapigilan ay binuksan nya na yun. "Uy! Jelly sticks!"
Tumayo ako at inagaw sa kanya ang kahon, "Wag mong pakielaman 'to, Glutton!"
"Bakit?! Sayo ba yan?!"
"Oo at para kay Shrek 'to." sagot ko at kinuha sa kanya ang takip ng kahon at saka muling inalagay yun sa upuan ni Shrek. Bumaling ako kay Kennel. "Wag mong gagalawin yun ah?"
"Fine, whatever." sumusukong tinaas niya pa ang dalawang kamay nya at saka umupo ulit sa upuan niya, ganon din ako.
"Ano? Supplier ka na ng jelly stick ngayon?" sabat ni Lander.
"Kay Shrek lang." mabilis kong sagot at saka ngumiti ng pagkalaki-laki. Willing akong maging supplier ng jelly stick basta si Shrek ang customer. Hehe. Sya lang, wala akong pake sa iba. Ibibili ko pa sya ng isang factory ng jelly ace kung gusto nya.
"Whatever, loverboy." natatawang komento ni Lander pero maya-maya ay binigyan rin ako ng mapanuksong tingin. "Anong reaksyon ni Sky?"
"Saan?" takang tanong ko.
"Sa pwet mong bilog!"
"What?!"
"Lintek ang pagka-slow! Malamang dun sa pakulo mo sa kanya kahapon! Jusko naman, Erd." tila nafu-frustrate na sigaw nya sakin. Tss. Ang dami kasing sinasabi, hindi na lang diretuhin, eh. Pero nang maalala ko na naman ang mukha niya kahapon ay hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...