SKY'S POV.
=_____=
"What are we doing here?" pokerface kong tanong habang diretso ang tingin sa entrada ng lugar na puno ng 'fun' at 'excitement'.
Phew.
"Ano pa ba? Edi mag-de-date!" sagot niya in a matter-of-fact-tone. Para bang nagtanong ako ng sobrang obvious na bagay at sinasampal niya sakin kung gaano ako katanga para itanong 'yon. O exaggerated lang ako? lol -,-
Bumuntong hininga ako at nilibot ang tingin sa paligid. "Amusement park?"
"Yep!"
"Isn't it.." tinangala ko siya at nakitang nakatingin na rin siya sakin, inaabangan ang susunod kong sasabihin. "Isn't it too cliche?"
"Anong cliche ka dyan?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Amusement, us, date." sagot ko. Umiling siya at saka ako nginitian ng malaki.
"Hindi cliche ang tawag dito, Shrek. Pagiging romantic ang tawag dito!" at kumindat pa siya. Bumuntong hininga ako ulit.
"Anong romantic dito? It's full of.." nilibot ko ang paningin ko. "..childish stuffs."
Sa mga napapanood ko at base sa mga kwento ni Calli, palagi na lang amusement park ang setting kapag may date. Hindi ba nakakasawa 'yon? Isa pa, kailan ko pa kinonsider 'to as a date? Tss. Gusto kong masuka sa mga balloons na nakakalat, mga 'extreme' rides na para sakin ay hindi naman extreme, mga corn dogs, cotton candy, funnel cakes and such. All in all, puro pambata.
Cliche.
I stiffened nang maramdaman kong hawakan ni Uwak ang kamay ko. Napatingala ako ulit sa kanya--- bakit ba kasi ang tangkad niya -.- Nakangiti siya sakin, yung boyish grin na sinasabi nila, na inaamin kong bagay sa kanya.
"Alisin mo muna lahat ng nasa isip mo, okay? Hindi ka pa ba nakakapunta sa ganitong lugar?" tanong niya at bahagya pa kong hinigit papalapit sa kanya. What a move, dude.
Pero napaisip naman ako sa tinanong niya. Matagal akong nakatingin sa kanya bago siya sagutin ng iling. Lumawak naman ang ngiti nya.
"So this is your first time, huh?"
Tumango ako na mas ikinalawak ng ngiti niya. Tinatawanan niya ba 'ko? Kumunot ang noo ko at sinubukang higitin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya lang 'yon. Ang laki kasi ng kamay niya, pero malambot. Rich kid brats be like.
"So," nilapit niya ang mukha niya nang bahagya. "This is your first time... and you're with me. Doesn't it make it more romantic?"
"It does?" inosenteng usal ko. Lumukot naman ang mukha niya at lumayo.
"Hindi ka talaga marunong mag-react kahit kailan." iiling-iling na sabi niya at saka ako hinigit para magsimula na maglakad. "You just ruined the moment."
"What moment?"
"Shut it!"
Nagkibit-balikat na lang ako.
Kasalanan ko bang hindi ako marunong mag-react ng maganda? Hindi ko kasi maintindihan yung sinabi nya. Ano bang romantic sa ginagawa namin? At anong romantic sa pagiging first time ko dito kasama siya? It doesn't make sense for me.
Nakapila kami sa bilihan ng tickets at wala man akong pake ay pansin ko parin na pinagtitinginan kami ng mga tao. Maybe because of my clothes? Para akong tatambay lang sa bahay dahil sa suot ko. Oversized blue sweater and white pajama, not to mention, with printed bears. Or maybe bacause of this guy na nasa kaliwa ko? Because of his 'god-like' features. Siguro nagtataka sila kung bakit may kasama siyang katulong.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...