SKY'S POV
"HAHAHAHAHA! Grabe nakakatawa naman 'yon! Hahahaha! LAPTRIP AMPOTA HAHAHAHA!"
-,-
"Calli, wala pa 'kong sinasabi."
"A-Ay... Wala pa ba? Hehehehe."
Napabuntong hininga naman ako at kumuha ng ulam na dinala ni Calli. Sabi niya nung una siya ang nagluto hanggang sa nalaman ko rin na binili niya lang 'yon sa may karenderya malapit dito sa apartment. Akala niya naman hindi ko alam na maski magprito ng hotdog hindi niya kaya. Tss.
Wala pa ang kambal at si Jenna pero alam kong malapit na rin umuwi ang mga 'yon. Mag-o-overtime daw si Jenna ngayon dahil wala naman kaming assignments.
"E-Eh kwentuhan mo na kasi ako! Gutom na gutom na 'ko, Sky!"
Kinunotan ko siya ng noo, "Edi kumain ka."
"Hindi 'yon! Gutom na gutom na 'ko sa mga kwento mo! Dali dali! Kwento na aba! Hindi pwedeng wala akong alam dyan, nako!"
"Tss." sininghalan ko siya ng tingin kaya ngumuso naman siya. "Chismis talaga ang bumubuhay sa'yo, 'no?"
Pinanlakihan nya 'ko ng mata at umastang nasasaktan pa habang nakahawak sa dibdib niya. "Grabe ka naman magsalita!"
"Bakit, hindi ba?" pang-iinis ko sa kaniya.
"Hinde!"
"Tss."
"Kwento, Sky! Kwento! Hindi chismis! Ginawa mo namang chismosa ang gandang 'to?!" at tinuro niya pa ang mukha niya. Ngumiwi ako kaya mas lalo niya akong pinandilatan ng mata. "Oh! Wag nang kumontra! Psh. So ano na nga?! Kwento na dali!"
Bumuntong hininga lang ako at saka sumubo.
"Saan ka dinala ni T-Rex?!" matigas talaga ang bunbunan niya at hindi titigil hangga't hindi nakakahita ng impormasyon. Chismosa talaga.
Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita, "Amusement park."
"OH MY GOD! Tapos anong ginawa niyo?" tila kinikilig na tanong niya, nakakuyom ang parehong palad at nilapat sa dibdib niya na animo'y nagpipigil tumili.
Bumuntong hininga naman ako, "Sumakay sa rides." tipid na sagot ko.
"Ekkkk!!! Tapos anong ginawa niyo?!"
"Kumain."
"Tapos?! Tapos?!"
"Naglaro."
"TAPOS?!"
"N-Nagpicture." hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ilang bigla habang iniisa-isa ang sagot sa kaniya.
"HIHIHI THEEEEEN?!! Sumakay ba kayo sa ferris wheel?! Diba yun yung palaging huling sinasakyan ng couples na nagdadate sa amusement park?! Hihi! Ano? Sumakay ba kayo?!"
Naibaba ko ang kubyertos na hawak ko at saka yumuko.
"Oo..."
"Anong nangyari pagkatapos?!" pang-iintriga niya pa habang nagniningning ang mga mata niya. Napakagat ako ng ibabang labi, napansin niya iyon kaya naman mas namilog ang mga mata niya. "Omg! May hindi ka sinasabi sakin! Ano 'yon, ha?! Ano 'yon?!"
Sa mga ganitong sitwasyon ko talaga hinihiling na sana hindi ganito kadaldal si Calli. Oo nga't nakaka-entertain ang pagiging mahilig niya sa kwento at magkwento pero hindi ko talaga gusto ang pagiging mausisa nya. Ako pa naman yung taong hindi mahilig magkwento. Siya lang talaga ang taong kayang-kaya palabasin lahat ng baho ko sa katawan, detalyado pa! Yun ang talent niya, ang mangulit nang mangulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/60000752-288-k852678.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...