Chapter 24 - Monster

2.1K 79 39
                                    


SKY'S POV.

Mabilis akong umalis sa lugar na kinatatayuan ko para hindi nila ako makita. Naglakad-lakad lang ako sa lugar at napagpasyahang maya-maya na bumalik sa hotel. Nakayuko akong naglalakad, nakatingin sa buhanging nilalakaran ko.

Ano bang nararamdaman ko?

Wala. Wala akong maramdaman.

Pero bakit ganito? Para akong robot na nasiraan ng pyesa kaya nagmamalfunction ako ngayon. Parang walang gumagana sa sistema ko.

Hindi ako makapag-isip ng maayos pero... pero bakit wala akong maramdaman? Ganun ba 'ko ka-manhid? Tsk. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Calli na dahil sa sobrang lamig ng puso ko ay nagyelo lahat ng lamang-loob ko kaya ito, namamanhid ako.

Eh pero bakit ba 'ko tulala?

Hindi ko rin alam.

At hindi ko rin alam kung saan na 'ko napadpad.

Ni hindi ko nga alam na may nabangga na 'ko kung hindi pa ito nagsalita.

"Tumingin ka sa dinaraanan mo, Binibini. Masyadong delikado ang ginagawa mo."

Hindi ko siya pinansin pero nang nagproseso ang nangyari sa utak ko ay bigla akong napahinto sa paglalakad.

Ang boses na 'yon. Kilala ko ang bwisit at nakakalokong boses na 'yon na parang bawat bagay ay biro para sa kanya.

Kilalang-kilala ko 'yon.

Halos mabali ang leeg ko sa naging biglaang paglingon ko pero mga naglilibot na turista na lang ang nakita ko.

Walang Elliot Ronchest.

Anak ng! Bakit biglang sumulpot ang taong 'yon? Anong ginagawa niya rito?

Shit.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa hotel at naabutan ko si Calli na nasa harapan ng kwarto namin--- may hawak siyang puting rosas. Lumapit ako sa kanya at nakita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Medyo nabawasan naman 'yon nang iangat niya ang ulo niya at nakita ako.

"Sky!" napapalunok na usal niya saka inabot sa'kin ang rosas na hawak niya. "Nakita ko 'yang nakalapag dito sa tapat mismo ng pinto kanina. Tingin mo ba... nasundan ka nila dito? Kasi wala namang ibang paliwanag kung bakit may ganyan dito sa harapan mismo ng kwarto natin. Hindi naman pwedeng may kung sino lang na napagpasyahang maglapag ng puting rosas dito. Diba?"

"Si Jenna?" tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa hawak kong rosas.

"Nandun sila ni Daecery sa baba kasama sila Lander." sagot niya. "Bakit?"

"Puntahan mo sila."

"T-Teka nga! May nangyari ba?" pag-uusisa niya at pilit pang sinisilip ang mukha ko. Binalik ko sa blangko ang mukha ko saka tiningnan siya.

"Wala. Puntahan mo na sila, may gagawin ako." sabi ko at pumasok ng kwarto. Hindi naman niya ako sinunod dahil sinundan niya pa 'ko sa loob ng kwarto. Hindi naman siya pinansin at kinuha na lang ang itim kong cardigan at pati ang punyal na nasa ilalim ng unan ko. Itinago ko ang punyal sa ilalim ng sleeves ng cardigan ko at sinuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa nito. Yun ang purpose ng cardigan. Para maitago ang punyal na hawak ko. Aalis na sana ako nang humarang si Calli sa daraanan ako.

"Teka lang! Teka lang! Saan ka ba pupunta?! Bakit kailangan may dala ka pang patalim?! At saka ayos ka lang ba?! Hindi ka pa natutulog! Yung tyan at ulo mo pa! Kumain-kain ka pa kasi ng seafood kagabi! Uminom ka kaya muna ng gamot baka kung---"

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon