Chapter 7 - Date part 2

2.2K 134 148
                                    


SKY'S POV.

Nakaupo ako sa isang bench habang hinihintay si Uwak na nagpaalam sakin kanina na may pupuntahan daw. Sabi niya maghintay lang daw ako dito at saglit lang ay babalik na rin sya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood sa mga bata na hindi kalayuan sakin na busy sa pakikipaglaro. Mga elementary students sila, siguro fieldtrip nila. May mga nakabantay silang magulang sa isang gilid na nakangiting pinapanood silang maglaro. Maya-maya ay napatingin sakin ang isang ginang at ngumiti. Agad naman akong napaiwas ng tingin.

Ayun na naman ang pakiramdam.

Inggit.

Napabuntong hininga na lang ako.

Nagulat na lang ako nang may tumakip sa mga mata ko. Malambot yun at parang... unan? Mabilis na hinawakan ko iyon at nilayo sa mga mata ko. Nangunot ang noo ko nang makitang kulay brown na tila unan nga pero..

Tss.

Nilingon ko ang likuran ko at bumungad sakin ang malaking mukha ng kulay brown na oso. Sa likod naman 'non ay lumitaw naman ang ulo ng isang nakangiting uwak.

"Na-sorpresa ka ba? Hehehe." Umalis siya sa likod ko at pumunta sa harapan ko, buhat-buhat ang isang human-sized teddy bear. "Tingnan mo, ang cute 'no?"

"San mo napulot yan?"

Lumawak ang ngiti niya, "Nakita ko 'to kanina habang naglalakad tayo. Gusto kong i-surprise ka kaya pinaghintay muna kita dito habang kinukuha ko 'to. Hehehe. Ayos ba? Kung ako may shrek plushie na nagpapaalala sayo, ikaw naman ay meron nito na makapagpapaalala saken!"

Kumunot ang noo ko. "Makakapagpaalala?"

"Oo!" nakangiting tumango siya at binigay sakin ang malaking teddy bear. "Kase cute siya at cute din ako! Kaya maaalala mo 'ko dyan sa teddy bear na yan. Pareho kasi kaming cute!" at nagpacute pa siya. Napangiwi akong tumango.

"Yeah, whatever."

Inalis ko sa kanya ang tingin ko at nilipat iyon sa teddy bear na yakap ko. Narinig ko na lang na tumawa si Uwak kaya takang tiningnan ko siya.

"Ang cute! Mas malaki pa sayo yang teddy bear hahahaha."

"Tss."

Nilahad niya ang kamay niya, "Tara, kain. Tanghali na, eh."

Tiningnan ko naman siya at nginuso niya ang nakalahad niyang kamay. Kinuha ko naman ang kamay ng teddy bear at inabot yun sa nakalahad niyang kamay. Napasimangot naman siya.

"Hindi yan! Yung kamay mo!"

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at napabungisngis. Pero agad ko iyong binawi at muli akong bumalik sa pagiging pokerface nang makita kong natulala siya. Napatikhim ako. Bwisit.

"Hoy, Shrek."

Inangat ko ang tingin ko. Nakatayo parin kasi siya sa harap ko hanggang ngayon. "Oh?"

"Wag mo nang uulitin yun ah?" nakakunot at seryosong aniya. Napataas naman ang kilay ko.

"Alin?"

"Yung pagtawa mo. Wag mo nang uulitin yun sa harap ng maraming tao." at inikot niya pa ang tingin niya sa paligid bago nakasimangot na tumingin sakin. "Baka mahulog rin sila sayo, ayoko nun! Dapat ako lang, dapat tumawa ka pag tayong dalawa lang. Okay?"

Seryoso ba 'to?

Bumuntong hininga ako at hinigpitan ang yakap sa teddy bear. "Sige, hindi ko na uulitin."

"Dapat lang!"

Ngumisi ako, "Hindi na ulit ako tatawa sa harapan mo." at tumayo ako saka nauna nang maglakad. Narinig ko naman ang pagtutol at pagreklamo niya habang hinahabol ako.

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon