SKY'S POV.
Gusto ko na talagang umuwi.
Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko na talagang umuwi.
Hindi sa apartment na tinutuluyan ko dito sa pilipinas kundi sa bahay namin sa japan. Yung bahay na iniwan sakin ni Gramps. Yung bahay na puro ala-ala nya. Hinihintay ko na lang talaga na tumawag si Van para mauwi na 'ko sa japan. Pero bakit ganon? Hindi pa nya 'ko kinokontak. Sinubukan ko pa syang kontakin through email pero wala naman syang response.
Nakakainis.
Ayoko dito.
Nandito si Reign.
Nasasaktan lang ako.
Gusto kong bumalik at isipin na patay na talaga sya at hindi nya lang iyon pineke.
-,-
"Hoy, Sky." naramdaman ko ang bahagyang pagbangga ni Calli sa gilid ko. Tiningnan ko naman sya. "Kanina ka pa ganyan, ah? Anong iniisip mo?"
"Nandemonai." tugon ko saka ko hiniga patagilid ang ulo ko sa lamesa. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Um-order yung iba kaya kaming dalawa na lang yung natira dito sa table. Ako nga lang dapat yung maiiwan kaso epal si Calli at nagpaiwan din.
"Nandemonai my delicate ass! Ano nga?! Share naman dyan oh!"
"Tsk."
Tumahimik naman sya ng hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kinauupuan nya. Yun pala lumipat lang sya ng upuan. Sa tabi ko kung saan nakaharap ang mukha ko. Ginaya niya ang pwesto ko kaya naman magkaharap na kami ngayon.
"Tell me, what is it?"
"Wala nga." walang interes na tugon ko at saka binaling sa kabila ang ulo ko. Muli kong naramdaman ang pagtayo nya, lumipat sya sa papunta sa pwesto nya kanina at saka hiniga rin ang ulo nya paharap sakin.
"Hindi ka makakapagsinungaling sakin!"
Inis na umayos ako ng upo at saka sinamaan sya ng tingin. "Anong trip mo?"
Umupo rin sya ng tuwid, "Wala! Tinatanong lang kita kasi alam mo na, kaibigan mo 'ko. Concern lang ako sayo. Tsk. Ano ba! Alam kong may iniisip ka!"
"Malamang." napairap ako sa ere at umiwas ng tingin sa kanya. Sumandal na lang ako sa kinauupuan ko at saka humalukipkip.
"Syempre, dahil selfless ka, hindi mo ishe-share sakin yan. Hahayaan mo na namang bagabagin ka nyang laman ng utak mo, basta hindi ka lang makaabala ng iba. Tama ba?" sarkastikong sabi nya. Hindi ko sya pinansin at nananatili akong nakatingin sa kawalan. Narinig ko syang bumuntong hininga. "Si Reign ba?"
Hindi ako sumagot.
"Iniisip mo ba sya? Na naman? Sya na naman ba ang nang-aabala dyan sa isip mo?"
Umiling ako, hindi pa rin tumitingin sa kanya. "I want to go home."
"Tsk. Hindi pwede, may klase pa tayo."
"Gusto ko nang bumalik."
"Mamaya na, hindi pa tayo nakakakain."
Inis na tiningnan ko si Calli. Alam ko namang nagegets nya yung sinasabi ko pero nangaasar pa talaga!
"What?" painosente niyang tanong at saka bumuntong hininga ulit. "Alam ko ibig mong sabihin. Pero hindi pwede, Sky. Hindi pwede."
Kumunot ang noo ko, "Why?"
"Eh kasi.." napakamot sa ulo niya si Calli na parang nagdadalawang isip kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...