REX'S POV.
[Bilisan mo! May practice tayo ngayon!]
Naiimaiigine ko na ang nagpuputukang ugat sa leeg ni Kennel sa bigay na bigay niyang pagsigaw sakin mula sa kabilang linya.
"Oo na! On the way na nga! Tsk. Wala kasing nagsabi sa'kin na may practice ngayon!" inis na sagot ko sa kaniya. Huminto ako saglit dahil nagkulay red ang traffic light.
[Hindi ka ba tinext ni Coach? Nagtext sya kagabi, ah! Wala ka bang na-receive?]
Nangunot naman ang noo ko at maya-maya ay naalala ko rin ang text ni Coach kagabi. Napakamot ako ng ulo at pinaandar ulit ang sasakyan ko.
"Yun ba 'yon? Hindi ko kasi maintindihan. May mga numbers pa kasi at nakakahilo!"
Ikaw kaya umintindi ng 'gUd 3v3n!n6. uN+4 k4u 6yM bhUk45 n6 4L454!5. !n64zsCx j3j3j3,,,!' tingnan ko lang kung di ka mahilo.
[Jejemon kasi si Coach hahahahaha!]
"At kaya naintindihan mo kasi jejemon ka ren?"
[Gago.]
Natawa naman ako.
"Tsk. Sige na, sige na. Ibababa ko na 'to."
[Geh. Bilisan mo, ah!]
"Oo! Palilirapin ko na sasakyan ko! Tsh."
[Hahahaha! Bye!]
Buti na lang talaga at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa school. May ilang estudyante na ang nandito, mga early birds. Humikab ako-- oo hindi ako nahihiya na humikab sa harap ng maraming tao. Tsk. Kahit naman anong ilaki ng bunganga ko, gwapo pa rin ako. Baka nga kahit mangulangot ako dito, titilian pa rin nila ako dahil sa kagwapuhan ko. Once a gwapo will always be a gwapo kase. Kahit anong gawin ko, wala na akong magagawa na ikapapangit ko.
Ano kayang pakiramdam na maging panget, 'no? Diba may experience ka? Pakisagot naman.
Dumiretso ako sa gym at sinalubong agad ako ni Kennel. Wala pa si Coach kaya nakahinga ako ng maluwag. Ligtas ako sa 50 laps niya!
"Magpalit ka na!" utos ng mas masahol pa sa nanay kong si Kennel. Hindi na 'ko sumagot at dumiretso na lang sa locker room kung saan mabilis akong nagbihis ng jersey uniform ko. Inayos ko pa ang buhok ko bago lumabas pero---
Boogsh!
"A-Aray!"
May nakabangga ako. Nahulog niya ang pagkalaki-laking box na buhat niya kaya nakita ko ang mukha niya. Nagulat naman siya nang makita niya ako at maya-maya ay napalitan din iyon ng ngiti.
"Rex!" tuwang-tuwang tawag niya sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang mukha niya. Pamilyar siya.. teka-- sino ba siya? Mukhang napansin niya ang reaksyon ko kaya natawa siya ng mahina. "Ako 'to, si Keir! Keir Salvez!"
Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko. "What?"
"Yung nakabangga mo noon! Hindi mo ba maalala?"
Bigla namang nag-pop up sa utak ko yung sandaling may nakabangga ako dahil sa pagmamadali papunta kay Sky. Yung babaeng transferee.
"Oh." ang naiusal ko na lang.
"Naaalala mo na?" nakangiting tanong niya. Tumango naman ako na mas ikinalawak ng ngiti nya. "Great! Haha! Hindi mo naman sinabi na anak ka pala ng may-ari ng school! Grabe.. Bigtime ka pala!"
"A-Ah yeah.. Hindi ko naman kailangang sabihin sayo, diba?" taas ang kilay na tanong ko.
Napalabi siya at pabirong sinamaan ako ng tingin, "Ang sungit mo naman!"
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...