SKY'S POV.
"Fund raising?!" sabay-sabay na sigaw nila kay Kennel--- syempre, bukod sa'kin dahil hindi ako informed na may sabayang pagbigkas sila. boo-hoo -,-
Pinapasok ulit kami ni Kennel sa loob ng kwarto nila para daw mag-meeting tungkol sa pagtulong doon sa staff na Dodo ata yung pangalan. Nakalimutan ko na, eh -,- I don't get it, though. Bakit niya pa tutulungan ang taong sinira ang tiwala niya? Hindi ko alam na ganyan pala siya kabait. Tss. Kung ako siya, binali ko na ang daliri ng Dodo na 'yon isa-isa.
"Yes. Diba nga, gusto kong tulungan si Mang Dodie? Ito lang ang naiisip kong paraan para makakalap tayo ng sapat na pera na itutulong sa pagpapagamot ng anak niya." sabi ni Kennel at isa-isa kaming binigyan ng nagmamakaawang tingin. "Sige na, oh. Tulungan niyo 'ko."
"Hmm.." tumabi sa kanya si Lander at umakbay. "Eh, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa parents mo?"
"Oo nga. Mayaman naman kayo." pagsang-ayon ni Jenna.
Umiling si Kennel, "Hindi papayag si Dad. Isa pa, masyadong mahal 'non ang mga pera niya para lang i-gastos sa hindi niya naman ka-ano-ano. Kung hindi siya magbebenefit, wala siyang pakealam. Kaka-bigay niya lang din sa'kin ng allowance ko na... medyo... nagastos ko na."
"Anong medyo nagastos? Ginastos mo talaga! Punong-puno na naman ng pagkain yung ref mo sa kwarto mo." singit ni Uwak na ikinangiwi ni Kennel.
"Wow! May personal refrigirator ka? Taraaaaaay!" pag-iingay ni Calli.
"Sana lahat, 'no?" natatawang sabi ni Daecery at naki-pag-apir pa kay Calli. Bumaling siya kay Kennel, "Minsan invite mo naman kami."
"Oo nga! Oo nga!" bigay todo ang pagtango na sabi ni Calli.
"Oo sige! Next time iimbitahan ko kayo sa bahay namin. Pero ngayon, tulungan niyo muna ako! Bigay kayo ng ideya! Ano bang magandang gawin?" he looked at us with anticipation. Nakita ko namang napaisip ang ilan habang ako ay bored na bored at nakapangalumbabang pinanonood ang kalokohan nila.
"Flash mob?" suggestion ni Lander kaya nalipat ang tingin ng lahat sa kanya. "Bakit? Maganda 'yun!"
"Tapos hahawak ako ng box kung saan nila pwedeng ilagay ang donations nila!" sabi naman ni Daecery. Tumango-tango si Kennel.
"Pero kailangan pa nating mag-practice 'non? Wala na tayong panahon. Tatlong araw lang naman ang bakasyon natin dito. Magaling kang sumayaw, oo, dahil dancer ka pero paano naman yung iba?" sabi naman ni Calli at bumagsak naman ang balikat nila.
"Eh kung mag-surprise concert tayo?" sabi naman ni Rex. "Sumayaw ka, Lander. Tapos yung iba naman, kakanta."
"Tapos party-party tayo para masaya, 'no?" excited na sabi ni Daecery.
"Eh anong gagawin nung iba pa?" tanong naman ni Kennel.
"Pwedeng sila ang kumuha ng mga magiging audience at magkalat ng tungkol sa concert." sagot ni Lander.
"Magduduet kami ni Shrek!" biglang sigaw ni Uwak at lumapit pa sa'kin para umakbay. Lumayo ako pero lumapit lang siya kaya naman sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Ayaw mo? Maganda 'yon!"
"Oo nga naman, Sky! Siguradong maraming mamamatay sa kilig 'non kapag nag-duet kayong dalawa! Hihihi." ngiting-ngiting sabi ni Calli na halatang gustong-gusto ang ideya ng maingay na ibon.
"Ayoko." blangko ang mukhang sagot ko.
"Awwwww. Bakit?" parang batang ngumuso si Lander.
"KJ!" turo sakin ni Calli.
BINABASA MO ANG
Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹
Action"Is it really worth dying for the person you love?" In every story that closes, a new tale unfolds. A puzzle's missing piece, a book's hidden page. She's beautifully damaged, He's beautifully flawed. She can't stay, He can't let go. Book 2 of Assass...