Chapter 16 - Warfare

1.8K 78 68
                                    


SKY'S POV.

"I don't get it. Bakit naisahan nila tayo?"

Bakas ang pinaghalong pagtataka at pagkainis sa tono ng pananalita ni Seal. Nakaupo siya sa single seater-sofa sa gilid ng couch na kinauupuan ko habang malalim na nag-iisip. Mula nang makarating kami dito sa mansyon niya ganyan na siya.

Hindi niya raw kasi nakita kung sino ang naghulog ng puting rosas na 'yon mula sa kwartong pinanggalingan ko sa 5th floor. Bawat daanan ko raw kasing camera ay nagba-black out kapag nalalampasan ko na. Nung sinubukan niyang i-review ang mga nakuhanan ng camera para alamin kung sino ang naghulog nung white rose, hindi niya na makita. Meaning, may nagtanggal na nung footage.

Hindi lang namin alam kung kalaban ba o kakampi.

Pero sa sitwasyon ngayon? No doubt, it's an enemy.

Binura nila yung footage hindi para makalusot ako sa ginawa kong pagkakalat, kundi para hindi namin makita ang kung sino mang taong iyon na sumusunod sa'kin sa sandaling 'yon.

Pero bakit ganon? Bakit hindi ko siya naramdaman? Masyadong matalas ang senses ko para hindi mapansin na may sumusunod sa'kin.

They have outsmarted me--- well, us.

Or... it was a trap?

I just don't get it. Ano bang objectives nila? Anong gusto nilang mahita? Wala naman silang ibang makukuha kundi bala sa ulo nila -,-

Narinig ko ang malakas na pagbuga ng hangin ni Seal saka hinarap sa kanya ang laptop na nasa coffee table. "I tried to hack Leonard Sodeman but I was just given a virus. He's using fake email accounts to transact." napapailing na bumuntong-hininga siya. "They're smart. Impressive."

"But you're smarter."

Dahil sa sinabi ko ay napangisi siya, "Of couse. I didn't become the best and number one hacker in the world just for nothing." mayabang na aniya at saka ako kinindatan. "Kung akala nila naisahan na nila ako--- akala lang nila 'yon! No one is allowed to get in my way... I'll crush them."

Nagkibit-balikat na lang ako. I'm used to him acting like an evil and all. "Nagkataon lang na mas matalino at mas tricky sila kaysa sa mga natrabaho mo noon."

"Point taken." tumatangong pagsang-ayon niya saka kinuha ang juice na nakalapag sa coffee table at uminom. "Nakakapagtaka lang, bakit nandito sa pinas lahat ng myembro ng organisasyon nila? Anong balak nila?" kunot ang noong tanong niya-- hindi ko alam kung sakin ba o sa sarili nya. He chewed his bottom lip and sighed, "Pakiramdam ko talaga may pasabog ang grupong 'to. Wala lang akong ideya kung ano, pero malakas ang pakiramdam ko na may gagawing malaking pasabog ang mga taong ito."

"Pero," napatingin siya sa'kin nang bigla akong magsalita. "Bakit nadamay ako?"

Napaisip naman siya at muling pinaglaruan ang ibabang labi niya. "Siguro dahil kailangan nila ang isang tulad mo? For them, you're like... a weapon. Malakas, matinik, matalino at magaling sa lahat ng aspeto ng pakikipagbakbakan. Kung iisipin, saktong-sakto ka sa kung anong kailangan nila para ma-achieve ang kung ano mang gusto nilang makamit. Kailangan nila ang tulad mo para kontrolin at pasunurin sa mga gusto nila. Napansin ko lang na hindi buhay mo ang pinagbabantaan nila, kundi ang buhay ng mga malalapit sayo. Ikaw nga lang ang nakakaalam na may nagbabanta sa buhay nila at tingin ko isa 'yon sa mga plano nila para pasunurin ka." He concluded at nag-pause saglit para uminom. He clicked his tounge, "Well... That's how I see it. Hindi parin tayo sigurado kaya kailangan pa nating pag-aralan at imbestigahan ng mabuti."

"But why me? Marami namang mas mahusay na assassin dyan."

He snorted, "Wow. Humble, ah?" pang-aasar niya. Hindi ko naman siya pinansin at napabuntong hininga na lang. Binasa niya ang labi niya at bahagyang pinaglaruan iyon, "Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang plano nila. Hindi pa tayo sigurado kung tama nga ba yung mga assumptions ko. Sinusubok nito ang kakayahan ko." sabi niya at bahagya pang tumawa.

Assassin's Tale 2: The Art of Dying 🌹 ON-GOING 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon