Chapter 23

1.9K 53 27
                                    

Bumalik ang dating Jacob na kahit saan, makikitang nakipag halikan ito. Palaging may kasamang  babae.. Tuwing mag cross ang landas nila ni Asher, parang hindi niya ito kilala. Pinapakita pa niya dito ang pakikipag lampungan sa mga babaeng halos idikit na ang mga katawan  sa lalaki .. Minsan tinawag niya ito pero nilagpasan lang siya ng lalaki.

Nag decide si Asher na puntahan ulit si Jacob sa classroom nito para magpaliwanag.  Kahit siya ,hindi niya alam kung bakit nangyari ang ganoon sa kanya. Tutol na tutol si Nikki, Bryan at Ejay sa desisyon niyang kausapin ito ulit. Kahit ilang beses na siyang pinagsalitaan ng masasakit na salita pero hindi pa rin siya susuko. Alam niya na wala siyang kasalanan sa mga pangyayari. 

Ash,please.. Maawa ka naman sa sarili mo, hindi lang naman  ikaw ang nasasaktan sa mga nangyayari, nasasaktan rin kami sa nakikita namin, huwag mong hayaan na sisirain ka nila.. iisipin mo ang sarili mo.. Umiiyak ng wika ni Nikki.  Awang- awa siya kay Asher dahil ilang araw palang mula ng nangyaring paghiwalay nila ni Jacob, malaki na ang ipinayat nito, nangingitim ang palibot ng mga mata  dahil kulang sa tulog. Hindi nga rin daw ito kumakain. Hindi na ito  ang Asher na nakilala nila na bubbly, masayahin at malambing. Pinatawag na niya kay Bryan ang mga pinsan nitong si Shin at Yeng sa kabilang building baka sakaling makinig ito sa mga pinsan..  

What are you doing here? May gana ka pang magpakita ng pagmumukha mo. Ayaw na sayo ni Jacob kaya mahiya ka naman na ipinagpilitan mo pa ang sarili mo sa kanya. Mahilig ka kasi mang two timer kaya buti nga sayo na iniwanan ka niya at nagising rin siya! Umalis ka dito panira ka ng araw!.. sigaw ni Margo sa kanya

Margo please kausapin ko lang si Jacob.. please... pagmamakaawa ni Asher. Hilam na ng luha ang mga mata nito at kumapit pa siya sa braso ng babae para sana makapasok sa classroom nila Jacob. Kaya itinulak siya nito at napa subsob si Asher sa sahig..Dahil sa nasaktan  at nanghihina siya, hindi siya nakatayo kaagad. Dahil na rin siguro sa wala siyang ganang kumain at walang  matinong , tulog parang lantang gulay siyang nakasubsob sa sahig habang umiiyak..Margo please kung ayaw mo akong papasukin, tawagin mo nalang si Jacob, kausapin ko lang siya please..

Inismiran siya nito na parang nang iinsulto.. Sige tawagin ko siya pero iwan ko lang kung lalabas yon dahil galit na galit yon sayo at ayaw ka niyang makita..

Umalis si Margo sa harapan niya at pumasok sa loob, maya-maya may narinig siyang yabag palapit. Tumingala siya at nakita nyang nasa harapan niya si Jacob..

Baby please mag usap tayo.. Umiiyak na namang pakiusap ni Asher dito.. Pinilit niyang makatayo pero talagang nanghihina siya at hindi kaya ng katawan .. 

Tiningnan lang siya ni Jacob na may pag iinsulto na makikita sa mga  mata nito. Wala na tayong pag usapan  Asher, Tapos na ang lahat sa atin. Bakit hindi ka bumalik doon sa lalaki mo. Nagsawa ka na ba sa kanya kaya  bumalik ka sa akin.. Mas magaling ba ako kaysa sa kanya? Pang iinsultong sabi nito sa kanya..

Parang tinarakan ng ilang kutsilyo ang puso niya sa mga binabatong salita ni Jacob para kanya..Kaya umiyak nalang siya ng umiyak habang nakalugmok sa sahig..Para siyang pulubi na dinadaan-daanan lang ng mga estudyante. walang gustong maki alam kahit gustuhin man nilang tulungan ang dalaga, pero nanaig ang takot sa kanila dahil kapag gagawin nila iyon, isang Jacob De Monteverde ang makakalaban nila..

Only Love( Ashrald FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon