Nagising si Jacob na wala si Asher sa tabi niya.. Tiningnan niya ang orasan at alas singko palang ng umaga....Bumangon siya at hinanap ang asawa..
Kanina pa si Asher sa loob ng toilet dahil panay ang suka niya na wala namang lumalabas.. Ang sama pa ng pakiramdam niya.. Nahihilo siyang hindi ma explain ang nararamdaman...
Sweetheart! rinig niyang tawag ni Jacob sa kanya...Hindi niya masagot ito dahil parang nanghihina siya..
Sweetheart! tawag niya ulit.. maya-maya narinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo..
Sweetheart, anong nangyari? dinaluhan siya nito at inalalayan dahil nakahandusay na siya sa gilid ng toilet bowl..
Babe, mahina niyang tawag.. masama ang pakiramdam ko, parang wala akong lakas dahil panay ang suka ko na wala naman lumabas na kahit ano.. nanghihinang sabi niya..
Baka nasubrahan ka ng mango shake kagabi at kumain ka pa ng papaya..sabi niya...Kinarga niya nalang ang asawa pabalik sa kama dahil wala na itong lakas na lumakad...bumalik siya sa banyo para kumuha ng pangpunas dahil pawis na pawis ito.. Kailangan rin niyang palitan ang damit nito dahil basang basa rin ito ng pawis..
Umalis siya ulit para kuhaan ito ng warm water para ipainom dito...
Sweetheart dalhin nalang kita sa hospital dahil baka kung ano na yan? nag alalang tanong niya.. Kahapon ganoon rin ang nangyari sayo at ngayon naman.. Ano talaga ang naramdaman mo ngayon?
Babe ang naramdaman ko lang naman ay bigla akong mahihilo, then kanina.. nagising nalang ako na parang hinahalukay ang tiyan ko..Pero wala naman lumalabas.. sabi niyang nakapikit pa rin dahil parang naramdaman niyang umiikot ang paligid...
Pagkatapos niyang punasan ang asawa, pinalitan niya ito ng damit para maging komportable ito.. Kumusta na ang pakiramdam mo? tanong niya
Hmmm medyo okay na, baby huwag ka munang umalis, dito ka muna sa tabi ko..paglalambing na naman niya sa asawa
Ngumiti si Jacob dahil sa sinabi ng asawa.. Tumabi siya at niyakap ito... Ang sweetheart ko talaga, nagpapalambing lang pala..
Isiniksik pa lalo nito ang mukha sa leeg ni Jacob.. Baby huwag ka munang mag work, dito ka lang sa tabi ko..
Medyo lumayo si Jacob sa asawa para matingnan ito.. Nagtataka na talaga siya sa asawa, at bigla niyang naalala ang binigay ni Yeng at Shin sa kanya...
Flashback
Jacob! tawag sa kanya ni Shin.. Lumapit siya sa mga ito..
Uuwi na kayo? tanong niya
Oo, lumalalim na ang gabi, pakisabi nalang kay Asher.. alam namin na aabutin yon ng siyam siyam sa loob ng banyo kapag naliligo.. sagot ni Yeng sa kanya
BINABASA MO ANG
Only Love( Ashrald FF)
FanfictionLove is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.