God is good all the time..
Apo ano ang nangyari? nag alalang tanong ng Lola niya ng makita ang itsura ni Asher na namumula at may kalmot pa sa braso. Hijo anong nangyari sa apo ko?
Lola okay lang po ako, nagkataon lang na may classmates akong masyadong mainitin ang ulo at ako ang napag tripan niya. Pero okay na ang lahat Lola don't you worry..
Aba apo, anong okay sa akin, tingnan mo, may kalmot ka sa napaka kinis mong braso at ang mukha mo namumula.. Hinawakan pa ng lola niya ang kanyang braso at pati mukha niya. Halika gamutin natin iyan..Hinila niya ito papuntang living room.
Lola nagamot na po ako sa clinic..huwag ka ng mag alala.. Nasaan nga pala si Lolo? Pag iiba niya ng usapan dahil alam niya na hindi siya titigilan ng kanyang Lola.
Ay umalis sandali, pinuntahan ang boarding house dahil may ipapayos yata doon. Sandali, ikaw bata ka iniiba mo ang usapan eh. Sino ang gumawa nito sayo? tanong uli ng Lola niya..
Hmmm Lola, don't worry ako na po ang bahala doon sa gumawa nito kay Asher, responsibilidad po namin na bigyan ng tamang parusa ang gumawa nito sa kanya dahil sa loob ng DMU nangyari ang lahat.. sabat ni Jacob dahil napapansin niyang hindi nito titigilan ang dalaga sa katatanong..At nakita niya rin sa itsura ni Asher na ayaw na niyang pag usapan ang mga nangyari.
Oh siya sige, maiwan ko muna kayo dahil akoy pupunta kay Vice. Magpalinis lang ako ng mga kuko.. Umalis ang Lola niya at naiwan silang dalawa sa salas..
Sweetheart, are you okay kung aalis muna ako, aasikasuhin ko lang itong nangyari sayo at doon kay Patricia at sa kasama niya. Babalik ako mamaya.. wika ni Jacob
Baby, hayaan mo na yon, total okay naman ako..
No! Sweetheart, kailangan mabigyan sila ng disciplinary action para hindi na maulit sa iba ang nangyari sayo. Kung hahayaan natin, mangyayari at mangyayari pa rin ang situation na ganoon. paliwanag ni Jacob.
Hindi rin siya nagtagal sa bahay nila Asher, umalis rin ito. Pumunta rin siya kaagad sa DMU para kausapin ang Dean of discipline para mag imbestiga sa nangyari at kung ano pa ang ginawa ni Patricia noon na hindi nabigyan ng pansin. Pinuntahan niya rin ang ama nitong Mayor sa kapitolyo at kinausap ng personal about sa naging pag uugali ng kanyang anak. Nangako rin itong kakausapin niya ito..
Lumipas ang tatlong araw, napag desisyunan ng DMU na bigyan ng one week suspension sa eskwelahan si Patricia at ang kasama nitong si Carla. Kaya galit na galit ito ng malaman ang desisyon ng DMU. Kinausap rin ito ng ama pero parang wala lang itong narinig.
Marami na rin ang naging kaibigan ni Asher pero ang lagi niyang kasama ay si sina Bryan, Ejay at Nikki. Kahit alam ng karamihan sa DMU na boyfriend na niya si Jacob, meron pa rin mga lalaking naglakas loob na magbigay ng motibo dito kaya bantay sarado lagi si Asher sa kanyang nobyo. Lagi niya itong hatid sundo sa bahay at eskwelahan. Kapag walang masyadong mga assignments,dinadala muna niya si Asher sa Market place para mag bonding na sila lang at binibilhan niya ang dalaga ng kung anong magustuhan niya para sa nobya.
Minsan doon siya kumakain ng dinner sa bahay ni Jacob kasama ang daddy nito, na ang tingin ni Asher ay cool dad dahil magaan itong kausap, laging nakangiti at magaling din mga joke kaya hindi na siya naiilang o nahihiya dito.
Dahil likas na malambing si Asher, and she has a bubbly personality and everyone who meets her ay nagugustuhan siya at lalo na very friendly ang aura nito, Ito rin minsan ang rason kung bakit sila nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ni Jacob dahil hindi makuha-kuha ng binata ang magselos.. Minsan binibigyan ito ng ibang estudyante ng ibang kahulugan lalong lalo na ang magpinsang Margo at Patricia.
BINABASA MO ANG
Only Love( Ashrald FF)
Fiksi PenggemarLove is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.