Chapter 32

2.3K 72 29
                                    

Matthew 6:14-15

For if you forgive men when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you.  But if you do not forgive men their sins, your Father will not forgive your sins.

Actually, forgiveness is not only about others, but also about our own spiritual growth. Love and forgiveness cannot be separated. If we choose to live out the love of God as the purpose of our life, then forgiving is an option that cannot be avoided.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

What are we doing here dad? Tanong ko sa kanya dahil nasa harapan kami ngayon ng isang condo building na hindi ko naman alam kung kanino.. Karamihan sa mga kaibigan niya ay alam ko kung saan pero itong building na ito ay bago sa akin..

Tiningnan lang ako ni Dad at saka tuloy tuloy na pumasok sa entrance ng condo.. May pinakita lang siya sa guard at binuksan rin kami kaagad.. Hindi na ako magtataka dahil isang kilalang tao ito.

Pagdating namin sa lobby ng building, may dalawang lalaking sumalubong sa amin.. Hindi ko rin sila kilala.. 

Dad!! tawag ko ulit sa kanya. Pero ganoon pa rin, hindi niya ako pinansin sa halip sinenyasan niya akong sumunod sa kanila..

Pumasok kami sa elevator at pinindot ng isa ang tenth floor.. Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman ng bawat galaw..

Sure niyo bang hindi siya umalis? tanong ni Dad sa dalawa.. Nagtataka talaga ako dito sa ama ko.. Pero malalaman ko rin iyan..

Nakakasiguro po kami Don Sergio.. Nasa condo siya ngayon at I'm sure mahimbing pang natutulog  yon.. sagot ng isa na ang tingin ko ay parang hindi marunong ngumiti..

Nang tumunog ang hudyat na bukas na ang elevator, sunod-sunod kaming lumabas.. Nauna ang dalawang taong kilala ni Dad..Napangiti ako dahil naalala ko ang isang insidente sa isang public figure at ang nag file ng case against him. Parang katulad lang ang eksena ngayon pero wala nga lang babaeng involve..

Huminto kami sa isang condo unit.. Pinindot ng kasama namin ang doorbell ng ilang beses.. Naghintay kami ng sandali pero wala pa rin nagbukas.. Pinindot uli ng isa hanggang sa ilang beses nilang pinindot pero wala pa rin nagbukas..

Dad!! Anu ba ang ginagawa natin dito? kanino ba itong condo? Baka tulog pa iyong tao? Sunod sunod kung tanong dahil nagtataka na talaga ako...

Sasagot na sana si dad ng may nagbukas ng pinto.. Isa itong babae na halatang kakagising lang dahil medyo magulo pa ang buhok  at naka roba pa ito..

Sino ang kailangan nila? Hindi niyo ba alam na nambubulabog kayo ng natutulog na tao..Ke aga-aga kayong nang istorbo.. Pagtataray pa nito sa amin..

I'm sorry for that hija.. hinging paumanhin ni dad... nariyan ba si Micheal Luna?

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.. Pero parang familiar ang pangalan na yon sa akin.. Parang nakilala ko o narinig ko na ang pangalan na iyon..

Only Love( Ashrald FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon