Dad!! itigil mo nalang ang mga plano mo! Baka mapahamak ka lang.. saway ni Margo sa kanyang ama..
Margo! di ba sinabi ko sayong huwag mo akong papakialaman, para rin naman to sa kabutihan ko ang ginagawa ko.. Gusto mo bang sa kangkungan nalang tayo pupulutin pagdating ng mga araw.. .. Wala na tayong pera, wala na tayong negosyo dahil nasa De Monteverde na..Inis niyang sabi sa anak niya
Dad! sigaw niya... Sino ba ang sisisihin mo sa mga nangyari? Sila? Ikaw naman tong sugal ng sugal sa casino.. Pati pera ng kompanya dinala mo pa doon para lang may magamit ka sa pagsusugal.. Hindi lang pagsusugal kundi kumukuha ka pa ng mga babae.. Inis niya rin sabi sa ama
Enough!!! sigaw nito... How many times do i need to tell you na huwag mong pakialaman ang mga plano ko dahil ikaw rin naman ang makikinabang ng mga ito, ginawagawa ko ito para sayo... Pero teka lang ha! bakit umiba yata ang ihip ng hangin... Noon parang ipagtulakan mo akong tulungan ka para makuha si Jacob pero ngayon ikaw na ang humahadlang sa mga plano ko..
Yumuko si Margo dahil ayaw niyang makita ng ama na may namumuong luha sa kanyang mga mata... Tanggap ko na Dad na hindi para sa akin si Jacob.. Kahit anong gawing ko, hindi mababaling sa akin ang pag ibig niya, Kahit ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya, hindi na niya ako lilingunin dahil bumalik na ang babaeng totoo niyang mahal at nakapagbigay sa kanya ng saya...Lalo na may anak na sila ngayon....
Inis na tiningnan siya ng kanyang ama, Kung ikaw titigil pwes ako hindi!! Hindi ako makapapayag na pagtawanan tayo ng mga tao.. Gagawin ko lahat na maibalik sa akin ang kompanya.. Kaya ang apo ni Sergio ang kasagutan ng lahat.. Alam ko na kahit ilang milyon pa ang hihingiin ko, hindi mag atubiling magbigay yon dahil mahal niya ang kanyang apo..
Dad!!! sigaw niya ulit dito!!! Hindi ka ba na konsensiya.. Kaibigan mo si Tito Sergio, Bakit hindi mo nalang tanggapin na wala na, walang wala na tayo... Naiiyak niyang sabi sa ama
Walang kai- kaibigan sa akin pagdating sa pera, gagawin ko ang lahat para lang mapasa akin ang mga yon.. Kaya ang masasabi ko sayo, huwag na huwag kang makialam sa mga plano ko.. Alam ko kung paano ako magalit.. Naintindihan mo Margo!!!
Inis na tinalikuran ni Margo ang ama, at natatakot siya sa mga mangyayari.. Hindi simpleng tao ang kakalabanin nito kundi ang nag iisang De Monteverde.. Kahit may kapit rin sila sa lipunan dahil kilala rin sila pero hindi alam ng mga ito na walang wala na sila.. Alam niya rin na hindi sila matutulungan ng ama ni Micheal at Patricia kahit may kapit ito dahil isa na itong Governador..Pero hindi ito katulad ng kanyang ama na mukhang pera, hindi nito gagamitin ang pwesto para lamang mag agrabyado ng kapwa.. Kaya nga ito nananalo dahil mabait ito at matulungin sa kapwa...
Hindi ko aakalain na magawa ito ni Gardo sa isa niyang matalik na kaibigan.. Pinaghirapan ng mag asawang ito na maipundar ang lahat lahat na pag aari nila. Pero sa isang kisap mata nawala lahat dahil nagtiwala sila sa isang kaibigan na ang layunin nito ay makamkam ang kayamanan na hindi naman sa kanya.. Kausap ni Don Sergio ang kaibigan niyang inspector na nag investigate tungkol sa pinagawa nito dito.. Hindi niya inasahan na ang mga magulang ni Asher ang niloko ni Gardo.. Hindi lang ito simpleng magkakilala kundi matalik na kaibigan nito ang ama ni Asher...
BINABASA MO ANG
Only Love( Ashrald FF)
FanficLove is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.