Chapter 36

2.2K 74 27
                                    

 

 

Nagising si Asher na wala na si Jacob sa  kanyang tabi niya.. Napangiti siya ng maalala ang ginawa nila ng asawa kagabi. Hindi na siya nakabalik sa kwarto nila ni Sher dahil laging nangungulit si Jacob sa kanya.. Alam niya naman na hindi matatakutin ang anak niya kahit magising ito na wala siya sa tabi nito..

 

Umupo siya at doon niya lang na alala na wala pala siyang saplot sa katawan dahil ayaw ng kanyang asawa.. Naiiling nalang siya sa kakulitan nito at kung ano-ano ang ginawa nito sa kanya nakaraang gabi..

 

Tumayo siya para hanapin ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig.. Palabas na sana siya sa kwarto ni Jacob para puntahan ang anak niya sa guest room, nahagip ng mga mata niya ang papel na nakapatong sa tabi ng lampshade..

 

Sweetheart, hindi na kita ginising dahil alam kung puyat ka.. Kailangan kung pumunta ng maaga sa office dahil may mahalaga akong asikasuhin.. I love you..

 

Kinilig siya sa note ng asawa para sa kanya.. Nararamdaman niyang gumagawa ito ng effort para iparamdam sa kanila ni Sher na mahal na mahal sila nito..

 

 

 

Good morning baby! bati niya sa anak ng pinuntahan niya ito sa kwarto.. Nakita niyang kakagising lang din nito..

 

Good morning Mama.. Lumapit ito sa kanya para magpakarga.. Ito ang nakagawian ng anak tuwing umaga kapag gumising ito.. 

 

Where is Papa? Mama

 

Sa office na siya baby, may gagawin kasi siyang important kaya need niyang umalis ng maaga.. 

 

Ibinaon ng anak niya ang mukha nito sa dibdib niya at iniyakap ang dalawang braso nito sa leeg niya.. Mama kailan tayo pupunta sa bahay ni Lolo Fredo at Lola Talia? tanong niya sa akin 

 

Hmmmm bakit na miss mo na sila? tanong ko sa kanya

 

Yes Mama.. I miss my daddies ang titas especially Lolo and Lola

 

Ahh sige, total wala kang pasok ngayon,  ihahatid muna kita sa kanila and then deretso na ako sa work ko.. Is that okay?

 

Talaga Mama.. dadalhin mo ako doon?

 

Yes Baby, kaya mag prepare ka na para mas maaga kitang maihatid doon okay..

 

Okay Mama!!!

 

 

Good morning Ate, good morning cutie! bati ni Meme sa amin.. Breakfast is ready..

 

Thanks Meme, pasalamat ko sa kanya.. Hmmm Kumain ba si Kuya Jacob mo ng umalis siya kanina? tanong ko sa kanya..

 

Ay hindi kumain yon ate, nakita ko lang siyang uminom ng coffee tapos umalis rin kaagad..

Tiningnan ni Asher ang orasan at may isang oras at kalahati pa siyang natitira bago umalis.. Inasikaso muna niya ang anak at pinabantayan ito kay Meme dahil gusto niyang mag prepare ng breakfast ni Jacob.. 

Only Love( Ashrald FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon