Chapter 35

2.2K 63 27
                                    

Magulo ang magbarkadang pumasok sa mansion ng mga Monteverde. Hindi alam ni Jacob na parating sila para dalawin ito. Matagal na rin na hindi sila nagkasama-samang magkaibigan dahil na rin sa mga responsibilidad sa trabaho, lalong-lalo na si Jacob na maraming business ang inasikaso ..

Nagkukulitan pa rin sila na parang katulad lang noong University days.. Ang pinagbago lang siguro sa kanila ay ang pagiging responsable at seryoso  sa buhay pero ang panunukso at kulitan ay  naroon pa rin at hindi na  siguro makuha  tuwing magkikita silang  magkaibigan.. Si Jacob lang ang may malaking pinagbago mula ng mawala si Asher sa buhay nito..

Dude natawagan mo na ba si Gab? tanong ni Xander kay Adam.. 

Yup! maya-maya narito na rin yon..

Uy mga pogi narito pala kayo, bati ni Meme sa kanila.. naging malapit rin sila sa teenager dahil lagi sila noong bago palang ito sa bahay ng mga de Monteverde..

Good! may mag asikaso sa amin na hindi kami makakarinig ng sermon, hindi ka tulad ni manang Suling na may sermon siyang pabaon lagi.. kumusta ka na? tanong ni Lester sa dalaga

Okay na okay kuya Lester..  Serve naman sa inyo na makakarinig ng sermon dahil ang tatanda niyo na parang mga isip bata pa rin kayo... sermon din niya sa mga ito....Si Sir Jacob ba ang hinahanap niyo..

Yes! sabay nilang sagot sa dalaga..

Nasa likod po ng bahay, nag si swimming.. puntahan niyo nalang po doon..Anong gusto niyong inumin? tanong ng dalaga sa mga ito

Hmmmm.... soda nalang Me and thanks,, at paki dala nalang doon sa likod..

Papa!!!! catch me!! sigaw si Sher sa ama habang patalon ito sa tubig.. Naliligo sila ngayon ng anak sa swimming pool.. Gusto sana nilang sunduin si Asher sa pinag ta-trabahuan nito, Pero may tinatapos pa itong trabaho.. Kaya pinauna nalang sila ng asawa para makapag swimming sila ng maaga..

Masaya silang naglalaro ng anak, kahit anim na taon palang ito ay magaling na itong lumangoy kaya wala siyang takot na bitawan ito kahit  sa malalim na part  pa ito ng pool pero hindi naman niya ito pinababayaan.. 

 Papa what time ba darating si mama? tanong ni Sher sa ama

I'm not sure anak, pero uuwi rin iyon ng maaga.. Bakit miss mo na ba siya?

Yes papa, I miss my mama terribly.. Yumakap ito sa leeg ng ama dahil paahon na sila sa swimming pool..

Dude!!! napalingon si Jacob sa tumawag sa kanya..

Who are they papa?

Nilagay ni Jacob si Sher sa upuan at pinasuot ito ng robe, inasikaso niya muna ang anak  at binigyan ito ng makakain bago hinarap ang mga kaibigan na puno ng katanungan at pagtataka sa mukha.. Hindi pa niya nasabi sa mga ito about sa anak niya at kay Asher.. Tanging si Gab lamang ang nakaka alam ng katotohanan sa kanilang magkaibigan..

They are my friends baby at kaibigan din silang mama mo.

Hello po! bati ni Sher sa mga ito..

Palipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanilang mag ama...

Guys meet my son.. Jacob Sher de Monteverde,  at inisa-isa niyang pinakilala ang anak sa mga kaibigan .. Habang si Sher naman ay bibong  sumagot sa mga tanong ng mga ito..Sinabi na rin ni Jacob ang katotohanan sa kanila, kung ano ang sinabi niya kay Gab ay ganoon rin ang kinuwento nito.. Kaya naka tikim siya ng batok galing sa mga kaibigan..

Walang hiya ka dude!! ang tagal mo na palang kaming pinag tataguan ng sekreto at hindi mo man lang kami naisipan na inbitahan sa kasal niyo.. sabi ni Xander sa kanya..

Only Love( Ashrald FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon