Chapter 30

2.1K 66 20
                                    

Matanong nga kita, kung bumalik ba ako noon at sinabing buntis ako?  Hindi ka ba mag dalawang isip na tanggapin akong muli? Tanggapin si Sher?

Tahimik lang siya at tinitingnan ako ng deretso sa aking mga mata..

Oh di ba! hindi ka nga makasagot eh dahil hindi ka maniniwala na ikaw ang ama..Dahil wala kang tiwala sa akin..Then now, ikaw ang nag de- decide para sa amin ni Sher without asking my permission kung okay lang ba sa akin? Nilunok ko iyon Jacob dahil nakikita kung masaya siya, kung gaano siya kasaya..You keep on saying na babawi ka! Ganoon ba iyong babawi? Galit ka sa akin dahil ang pag aakala mo niloko kita, sumama sa ibang lalaki. Pinagdusahan ko yon kahit alam kung wala naman akong kasalanan.. Pero okay lang sa akin dahil dumating si Sher sa buhay ko.. Now I'm giving you a chance para mapalapit ng husto ang loob ng bata sayo but you letting it slip away..

Lumapit siya sa akin, at saka hinawakan ang pisngi ko, napangiwi ako ng madama ko ang pwersa galing sa mga kamay niya..

Wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses, He said in deadly tone..

I took a deep breath and push him  away gamit ang lahat kung lakas..  Bakit? Dahil ba ikaw si Jacob de Monteverde!!!

Tanggapin ko ang pananakit mo Jacob pero kapag si Sher na ang sasaktan mo, hindi ako mangingiming ilayo ang bata sayo. Mas malamig pa sa yelong sabi ko at sabay talikod sa kanya..

Why are you acting like a nagging wife Asher? Pahabol niya sa akin

Inis na inis ako,nilingon ko siya at nilapitan..Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Kahit ako nabigla sa ginawa ko.. Hindi lang ikaw ang marunong manakit Jacob.. Sarkastikong sabi ko sa kanya at sabay talikod..

Pagdating ko sa kwarto, doon na bumuhos ang luha  na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit lang talaga dahil kaya niyang saktan ang damdamin ni Sher at bakit mahal ko pa rin siya? Hindi lang mahal, mahal na mahal ko pa rin siya..

Jacob's Pov

Take me Jacob please......pakiusap ni Margo sa akin..

Nainis ako dahil siya pa itong babae ang laging  aggresive tuwing magkasarilinan kami..Lalong ayaw ko dahil si Asher ang nakikita ko sa kanya kapag nasa intimate situation na kami. Kaya tuwing mag a-attempt siya, parang lagi akong binubuhusan ng malamig na tubig kaya nawawalan ako ng gana. Kaya  ito lagi ang rason kung bakit  nagagalit  siya sa akin..

 I'm sorry Margo... Kailangan kung umuwi ng maaga dahil may pag uusapan kami ni Daddy..

Hmmm.... sige, sasama nalang ako sa inyo..

What? no! sabi ko sa kanya

Bakit naman? lagi naman ako sa inyo at bakit ngayon pagbawalan mo ako? May tinatago ka ba doon sa bahay niyo?

Wala!  kapag nasa bahay ka, hindi kami makapag usap ng maayos ni Dad kaya huwag nalang muna..sabi ko sa kanya

Hindi, sasama ako sayo sa ayaw at sa gusto mo.. pamimilit nito..

Kaya nag decide nalang ako na huwag nalang munang ituloy ang napag planuhan namin ni Sher.. Baka ano ang gagawin ni Margo sa anak ko kapag malaman niya ito. Tinawagan ko ang mga barkada ko na samahan nila akong dalhin si Margo sa isang bar..

Nagkita-kita kaming lahat doon except kay Gab dahil may hinahabol itong shipments ng mga computer Gadgets..Kaya hindi ito makakarating..

Nang malasing na ito inutusan ko si Adam at Xander na ihatid ito sa condo ni Margo dahil ako ay deretso na ng uwi..Hindi ko pa sinabi sa kanila ang tungkol sa anak ko at kay Asher.. May tamang oras para sabihin ko sa kanila ang lahat lahat..

Only Love( Ashrald FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon