Chap 1

7.2K 258 153
                                    

This chapter is dedicated to:

denseLOVE

TIFFANYCATE101

_____________

* Jhaixe

Naninibago ako. Feeling ko sobrang nangangalay ako sa kinahihigaan ko. Ngalay yung likod ko, binti ko pati braso ko.

Sobrang tuyo rin ng lalamunan ko. Even my eyes feels like it's never been use for a long time. Hell.

Una kong ginalaw ang daliri ko. Nung nagalaw ko na sunod kong minulat ang mata ko.

Napapikit ako ng maliwanagan ng ilaw ang mata ko. Inadjust ko muna 'yon bago ulit dumilat.

Sa una malabo ang paningin ko pero katagalan luminaw rin.

Puro puti. Wala bang black? Masyadong maliwanag eh.

Ospital 'to kaya hindi ko na itatanong kung nasaan ako. Hindi ako tanga. Hindi na.

Hinang-hina ako. Pakiramdam ko ay paralisado ako dahil hindi ako makagalaw pero alam kong nanghihina lang ako.

May kung ano-anong bagay na nakakabit saakin. Hindi rin ako makapagsalita dahil parang may tubong nakalagay sa bibig ko. I can hear a sound from a monitor.

"A-atwe."

Napakunot ang noo ko ng may marinig akong maliit na boses kasabay ng paghawak ng maliit na kamay sa pisngi ko. Gusto ko itong lingunin pero mata at daliri lang ang kaya ko pang igalaw.

Who is this?

"Atwe. Youw're a-awake." He suddenly giggled at bahagya pang pumalakpak.

Dahan-dahan pa itong bumaba sa upuan na tinutungtungan niya saka patakbong lumapit sa babaeng nakahiga sa maliit na sofa.

"Mommy! Mommy youw're awready happy b-because atwe ish awake!" Malakas nitong sigaw habang inaalog-alog si Mom?

Mommy? Wait... Is he?

"Fixx, baby. Let me sleep just for 10 minutes." Inaantok na sabi ni Mom.

"B-but... But Mommy, atwe ish awready awake." Sigaw pa nito.

Umupo si Mom saka tumingin sakin.

Bahagya pa siyang natulala.

"J-Jhaixe. Fück." Mahinang sabi nito saka lumapit sakin.

"Mommy, what's fück?" Nagtatakang tanong ni Fixx? Is that his name?

Natigilan si Mom.

"Don't say that word, baby. It's bad." Sagot niya.

"Owkay, Mommy."

Lumapit sakin si Mom saka ako niyakap ng may pag iingat.

"You're awake. You're awake, finally. We missed you. So much." Mahinang sabi nito.

Tumawag si Mom ng doktor para tignan ako. Buong oras hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

At doon ko nalaman...

Doon ko nalamang dalawang taon na ang nakalipas.

Dalawang taon akong tulog.

Ang tagal pala.

At lahat ng pagdalaw nila Celix... panaginip lang.

Kasi pagkuha na pagkuha ni Mom sakin sa sasakyan nung araw na nalaman kong may relasyon si Lux saka Rylie dinala na agad ako sa isang ospital, nang medyo umayos ang pagtibok ng puso ko doon ay dinala naman ako dito sa US para idaan sa heart transplant. Pagkatapos no'n hindi na 'ko nagising.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon