Chap 6

4.7K 176 35
                                    

* Jhaixe

This is awkward. Really.

Hindi ko alam kung ako lang ba naiilang dito o magaling lang talaga siya magtago ng nararamdaman niya. Kasi mukhang kalmadong-kalmado siya sa pagtuturo sakin. Nagagawa niya pa ngang ngumiti na akala mo ang saya-saya niya.

Or baka pinapakita niya lang sakin na naka move on na siya at nakahanap na agad ng kapalit. Tss.

"Do you understand?" Mahinhin niyang tanong. And since naintindihan ko naman talaga, tumango ako.

"Dito naman tayo." Sabi niya saka nilabas ang periodical table na galing sa bag ko.

Why is my bag with him, anyway?

He's good at teaching, honestly. Bakit nung tinuturo 'to ni Ma'am hindi ko ma-gets? Nung siya yung nagturo isahang explain lang alam ko na agad? My brain is weird sometimes. Even me, myself, can't explain how it runs.

Hours had past. Tumigil muna siya sa pagtuturo para kumain. Nagugutom ako eh saka kailangan ko ring huminga. Kanina parin nangangalay ang panga ko kasi hindi ako nakakapagsalita. Kadalasan ay tango at iling pang ang sagot ko. Baka isipin nito napipe na 'ko.

"Mom! Ate is miss-" Naputol ang sasabihin ng bagong dating na si Celix ng mapatingin sa gawi namin ni Lux.

Nasa sala kasi kami habang tahimik na kumakain.

Nanlaki ang mata ni Celix saka inangat ang kamay papunta sa bibig na parang gulat na gulat. Nang ma-realize ang ginawa ay binaba niya agad yung kamay niyang nasa bibig niya kanina.

"Y-You're here?" Gulat na tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Hindi ba dapat?" Sarkastiko kong sabi. Napaiwas naman agad ito ng tingin. Bumaling iyon kay Lux na parang nanghihingi ng sagot.

Pinigilan ko ang mapairap. Iniba ko nalang ang baling ng tingin ko saka kumain ng tahimik.

"Ma'am Vitancol assigned me to tutor her in Science." Rinig kong sagot ni Lux.

Naramdaman kong natulala sakin sandali si Celix pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ayoko. Baka maalala ko lang yung ginawa niya sakin. Yung pagtago niya ng masakit na katotohanan sakin.

Too much drama.

"CELIX!" Napatingin kami sa taong sumigaw na papasok sa pintuan.

Mula kay Celix, nalipat samin yung tingin ni Aze. Kagaya ng reaksyon ni Celix kanina, nanlaki din ang mata niya ng makitang malapit sa inuupuan ko si Lux.

Sunod-sunod na nagsipasukan yung iba pero natahimik ng makita ang tinitignan ni Aze which is us.

"Wtf?" Rinig ko pang bulong ni Zia.

"Jhaixe?! Akala namin nawawala ka!" Sigaw ni Cads saka patakbong lumapit sakin sabay yakap ng mahigpit.

"The hell?!" Ungot ko ng muntik ng matapon yung pagkain ko.

"Hala sorry." Hindi nito ng paumanhin kaya napairap ako.

"Bakit ako mawawala? Baka nakakalimutan mong may gang tayo?" Inis kong sabi. Mukha naman siyang napaisip sa sinabi ko kaya napabuntong hininga ako.

"Oo nga no?" Humarap si Cads kela Rock, "Bakit nga ba tayo nag-aalala sakanya? Eh kaya naman niya sarili niya." Inosenteng sabi nito. Hindi ko alam kung inosente ba talaga siya o inose-inosentehan lang.

"Cads." Parang nanggigigil na sabi ni Aze na dinaan nalang niya sa pagbuntong hininga ng hindi malaman ang gagawin kay Cads.

"Bakit ka galit?" Tanong nanaman ni Cads na akala mo'y hindi alam kung bakit nanggigigil sakanya si Aze.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon