Chap 4

5K 182 75
                                    

This chapter is dedicated to:

Limin_Sky

Park_Crystal_Joy

EyEyJayEmPee

* Jhaixe

Hindi ko alam kung pa'no kami nakaalis mga nagdagsaang studyante do'n. Basta naglalakad na kami ngayon ni Synn paalis sa parking lot.

"What the hell was that? Never knew you were famous here." Hindi makapaniwalang sabi nito na akala mo ay hindi siya isa sa mga pinagkaguluhan.

"Don't mind it." Sabi ko nalang.

"Ano ka dito dati?" Tanong niya.

"Baka teacher." Sagot ko pero napadaing din agad ng pitikin niya noo ko.

"Ano nga?" Pangungulit niya.

"Studyante." I answered.

"Jhaixe naman eh."

"Dancer?" Mahinang sagot ko.

"Huh?" Tanong niya.

"Wala. Sumagot na 'ko bawal na ulitin. I hate repeating myself."

"Hindi ako langgam, ipapaalam ko lang." Sarkastikong sabi nito kaya nagtaka ako.

"Oo alam ko. Ano naman?"

"Kung sumagot ka kanina akala mo nakikipag-meeting ka sa mga langgam." Sabi pa nito kaya inirapan ko nalang siya.

"Napakakulit mo." Bulong ko saka mas binilisan ang lakad.

I know where my room is. I'm here since elem kaya malamang alam ko na mga pasikot-sikot dito.

"Answer me muna kasi." Sabi nito. Medyo natigilan ako sa pagsasalita niya ng taglish. I just remembered... someone.

"Wala nga." Sagot ko.

"Wala pero lahat 'ata ng studyante nakatingin sayo ngayon." Sabi nito.

Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi no? Bahala siya maglakad ng malayo mamaya. Hindi naman dito building ng mga senior high sunod siya ng sunod.

"Nasaan ba sila Alecza? Bakit ikaw lang nakikita ko?" Tanong ko saka tumigil sa paglalakad.

Ngumuso siya.

"Iniwan ako." Nagtatampo nitong sabi.

"Buti nga sayo." Pang aasar ko saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Sama." Rinig kong bulong nito, "Hindi mo pa sinasagot tanong ko kanina. Ano ka dito dati?" Tanong niya ulit.

"I danced." Sagot ko. This time medyo nilakasan ko na para marinig niya.

"You mean a dancer?" Tanong nito kaya bahagya akong tumango.

"Happy now? Pumunta ka na sa building niyo." Sabi ko.

"You dance?! Really?! Can I see?" Natutuwang sabi nito kaya napahinto ako sa paglalakad saka siya tinignan.

Can I still dance?

Let's correct the question.

Can I endure the pain of the memory when I dance again?

"No you can't." Sagot ko.

"Why?" Nakangusong tanong niya.

"Just because."

I stopped walking with Synn when I felt a familiar presence. I can feel their heated stares, mostly his stare.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon