Chap 8

4.3K 158 48
                                    

This chapter is dedicated to:

loxcie

Kimtae0531

Kent_OB

Madam_Mimai

DanaReyes1

jendavrgin

kathHan1607

KristineLoveHerSelf

* Jhaixe

Patuloy lang siya sa pagkaladkad sakin na nakapag-painit ng ulo ko.

"Bitawan mo nga 'ko! Nakakainis ka naman! Ano ba!" Sigaw ko dito habang pilit na kumakawala sa hawak niya.

"Wag kang magulo." Maikling sabi lang nito saka hinigpitan ang hawak sakin.

"Ouch! Bitawan mo na kasi!" Sigaw ko saka lalong naging malikot. Nakakainis naman 'to! Bwiset! Bwiset!!!

"I swear Jhaixe you won't like what I'll do to you if you keep struggling there." Napatigil ako sa sinabi.

Edi titigil. Dapak.

Bigla niya 'kong pinasok sa kotse. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko.

"Hoy! Saan mo 'ko dadalhin?!" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

Hoy, Jhaixe?! Saan ka dadalhin niyan? Ha?! Saan? Tss. Hindi ko alam kung paano pero pinalabas kami nung guard.

Napatiim bagang ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa inis. Sino ba namang hindi maiinis sa ginawa ng imported na lalakeng 'to? Tss.

Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong hindi naman sasagot 'to. Baka mainis lang ako lalo at maihagis ko itong lalakeng 'to palabas sa kotse.

Ilang oras lang nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo sa isa sa mga upuan ng starbucks habang umiinom ng maple pecan frapuccino.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Kunot noo na tanong ko sakanya.

"You tell me." Nakakunot din ang noo nito.

Okay, fine. Oo na. Dahil do'n sa hindi ko pagsipot ng tutor session namin. Eh bakit kailangan niya akong hatakin dito? Hindi pa 'ko nakapagpaalam ng maayos kela Synn.

"Tss." Inirapan ko nalang siya saka tinuon ang pansin ko sa iniinom ko.

Ito nanaman. Kaming lang dalawa nanaman ang magkasama at patagal ng patagal nakakaramdam na 'ko ng pagkailang. Hindi na 'ko sanay ng kami lang dalawa ang magkasama. Hindi katulad dati, gustong-gusto kong magkasama kami. Sobrang kumportable niyang kasama.

Ayoko na. Gusto ko ng umalis dito. Hindi ko na kaya. Ambigat sa pakiramdam na ewan. Naaalibadbaran ako sa nararamdaman ko.

"Wala na ba tayong gagawin? Gusto ko ng umalis." Malamig kong sabi. Bumuntong hininga ito.

"Jhaixe..." Tawag nito pero wala naman ng dinagdag kaya lalo akong na-frustrate. Wala ng sense ang pagpunta ko dito.

Tumayo nalang ako para sana maglakad paalis pero hinawakan niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi tumigil sa paglakad. Bumuntong hininga ito. Tumingin ako sakanya saka siya tinaasan ng kilay.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon