Chap 14

3.1K 117 40
                                    

* Jhaixe

Isang buwan na ang nakalipas. Lumalala araw-araw ang ginagawa ng lalakeng mapanggulo.

Dumating na sa puntong muntikan na niyang pasabugin ang bahay namin dahil sa tinanim niyang bomba. Buti nalang at na-detonate ni Rock iyon bago pa maubos ang oras. I was fücking scared that time. Sa oras na maubos ang oras niyon ay malamang lahat kami doon hindi na aabot ng umaga.

Noong araw na 'yon ay tinanim ko na sa isipan kong gigilitan ko ng leeg ang hayop na gumagawa nito saamin ngayon.

May pilit siyang kinukuha saakin. Gusto niyang ibalik ko ang dating sakanya na hindi ko naman alam kung ano.

Wala akong matandaang kinuha na bagay sa kahit kanino. At kung alam ko man ang kinukuha niya saakin ay mabilis ko iyong ibibigay sakanya. I won't risk my family's life just for some things.

Kaso hindi ko alam! Wala akong kaalam-alam!

Kung sinasabi niya saakin diba?! Diba?!

Minsan naiisipan ko ring gamitin ulit ang pagtingin ko sa mangyayari sa hinaharap.

Pero laging may pumipigil saakin...

--

Umiwas ako ng tingin sakanya at mukhang nahalata niyang hindi maganda ang sasabihin ko.

"J-Jhaixe. Where is he?" Tanong niya na parang kinakabahan.

"I don't know." Sagot ko.

"Wag mo ng patagalin, Jhaixe! I know you know where he is! Sabihin mo na!" Medyo tumaas na ang boses niya.

"Calm down, Snow." Rinig kong sabi ni Lux.

"Jhaixe naman eh. Sabihin mo na!" Pangungulit niya. Napakagat ako ng labi.

"School. In our room." Maikling sagot ko.

--

"It's your fault, too. Kung sinabi mo na agad sakin kanina kung nasaan si Rock edi sana hindi na umabot sa ganito! Edi sana napigilan ko pa ang malanding babaeng 'yan sa paghalik kay Rock!" Galit niyang sigaw.


Hindi ako nakakapag-isip ng maayos pag nalalaman ko ang masamang mangyayari sa hinaharap. Natataranta ako. Kaya ang resulta, mangyayari't-mangyayari parin ang nakita ko.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi lang sa hindi pagpapansinan ang mangyari. Natatakot akong... dumating ang panahong kailangan ko palang magsakripisyo ng isang buhay para sa isa.

Ayokong mangyari 'yon. Ikamamatay ko.

Ang nakatatak sa isip ko ngayon ay kung paano ako nadapuan ng kamalasan dahil sa kakayahan kong ganon. It's hard.

It's never been a pleasure that you can only see but never change it. You can only watch but cannot gainsay.

November na. Ang bilis ng panahon pero kinakain parin ako ng nakaraan. Pilit parin akong umaahon dahil pilit rin akong hinahatak pababa.

Napatitig ako sa sulat na nakuha ko sa desk ko kanina.

'Confuse? Think deeper to understand. Dragged down? Find something to hold on. They want it? Give it. Then you'll be free. -Tu verdadero amigo'

Sino nanaman 'to? Nang gulo lang ng isip ganon?

Nagpasikot-sikot pa. Sana sinabi nalang niya yung gusto niya talagang sabihin diba? Para hindi ako nahihirapan.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon