* Jhaixe
"Ano ba 'yan! Ang aga naman kasi natin umalis. Hindi tuloy ako nakapag-ayos ng maayos." Sabi ni Xhamara kaya napailing ako.
Patuloy siya sa pagsuklay ng buhok niya habang hawak ang salamin na pinahiram sakanya ni Alecza.
"Syempre ayaw namin ma-late." Sabi ni Alecza.
"Bakit? Kailan ba tayo na-late? Tsk." Ungos nanaman ni Xhamara. Kanina pa nag aalburoto 'yan kasi hindi pa siya nakakapag-ayos nung hinatak siya paalis nila Synn sa condo niya.
"Anong oras ka na nagising? Kung hindi ka pa namin hahatakin malamang male-late tayo!" Sabi ni Alecza.
"Ingay niyo." Mahinang sabi ni Synn saka napakamot sa ulo.
"Hindi ka pa ba sanay?" Tanong ko.
"Jhaixe pahawak nga nitong salamin. Ititirintas ko lang buhok ko." Sabi ni Xhamara kaya wala na 'kong nagawa kundi hawakan yung salamin na hawak niya kanina habang naglalakad kami.
Palihim kong nilibot ang tingin ko. Medyo hindi maganda pakiramdam ko eh. Feeling ko may nagmamanman samin.
Medyo nilihis ko ang pagkakahawak ko sa salamin para makita yung mga tao sa likuran namin.
Nanlaki ang mata ko saka hinatak pababa si Xhamara.
"What the! Ano ba--" Naputol ang sasabihin ni Xhamara ng may bumagsak na palaso sa sahig.
"Damn." Bulong ko saka mabilis na kinuha ang palaso saka tumakbo papuntang clinic bago pa makita ng mga studyante ang hawak ko. Ayokong magkagulo dito ng dahil sa lintek na palasong 'to.
"A-anong nangyayari?" Hinihingal na tanong ni Alecza pagkarating namin sa clinic. Fortunately, walang tao dito.
"I don't know. Pero sa tingin ko may kinalaman dito yung mga dumukot sainyo." Tiim bagang kong sabi habang inaalis ang papel na nakasabit sa palaso.
Binuksan ko iyon mula sa pagkakatupi saka binasa ang nakasulat doon.
'I'm just here, watching. If I were you, I won't trust too much."
Damn!
"Who's that?" Namumutlang tanong ni Xhamara. Pero hindi ko siya nagawang sagutin sa sobrang galit ko.
Nilukot ko ang papel saka tinapon sa kung saan. Muntikan nanamang mapahamak sila Xhamara, shït. Sino ba ang mga 'to? Are they one of the gang we defeated? Are they taking their revenge? Damn, it's been years! Can't they move on?!
Hinarap ko sila Synn saka bahagyang yumuko.
"I'm sorry. Sorry if you've been dragged to my messy life." Paghingi ko ng pasensya.
Nagulat ako ng hawakan ni Synn ang balikat ko saka ako inangat sa pagkakayuko.
"Don't apologize. You've done nothing wrong, Jhaixe." Kalmado nitong sabi, "We need to treat that wound." Sabi nito at doon ko lang naramdaman ang paghapdi ng kanang braso ko.
Nang tignan ko iyon ay may nakita akong hiwa. Ako ang nadaplisan ng palaso dahil hinarang ko 'to kay Xhamara. Hindi ko lang naramdaman kanina sa sobrang kaba ko na baka mapahamak sila.
"Oh my god!" Sigaw ni Alecza.
"Hala Jhaixe! Sorry!" Sabi naman ni Xhamara kaya kumumot ang noo ko.
"Baket?" Tanong ko.
"Dapat ako natamaan nun eh." Sagot ni Xhamara.
"Mas gugustuhin ko pang ako ang matamaan." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Untouchable ✔️
ActionThere are only two types of pain in this world. One that hurts you, And one that changes you. But through all of the pain I felt, will I fall down? Or will I remain untouchable? Book 2 of Unpredictable Started: 09/03/17 Completed: 04/25/20