Chap 16

2.4K 77 46
                                    

* Jhaixe

It's been 3 days since that spider incident. Hindi na muna namin masyadong nilalabas si Fixx. Delikado masyado.

Nagtutulong-tulong na kami nila Aze mahanap kung sino man ang gumagawa nito. Sa ngayon ay wala pa kaming napapala kaya medyo nakaka-stress.

Ang galing magtago ng loko. Hindi ko alam kung mag-isa lang ba siya o marami sila.

Wala. Wala kaming alam. Hindi tuloy namin alam ang gagawin. Malinis gumalaw. Kumikilos siya kapag alam niyang may pinagkakaabalahan kami.

Sa ngayon ay naglagay kami ng mga maliliit na camera sa bahay para makita kung sino ang lalabas at papasok doon.

"Jhaixe?" Napatingin ako kay Alecza. Nandito pala kami sa canteen. Naglu-lunch.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Wala, hahaha! Nakatulala ka kasi." Natatawang sabi nito.

"May iniisip lang." Sagot ko rito.

"Laging may iniisip ah? Hahahaha! Sino ba 'yan?" Natatawang sabi ni Xhamara.

"Ikaw, yiieee! Hahahaha!" Sagot ko rito.

"Shet nemen, cresh." Kunyaring kinikilig na sabi nito kaya natawa ako lalo.

May sapi amp.

"Natutulog ka ba ng maayos?" Napatingin ako kay Synn na katabi ko.

"Medyo, hahaha!" Sagot ko rito.

Bahagya itong ngumuso saka hinaplos ang ilalim ng mata ko.

"Nagkaka-eyebags ka na oh." Marahang sabi nito.

Napabuntong hininga ako sa tono ng pananalita niya. Ang hinhin. Nagsasalita lang siya pero parang ang sarap matulog. Paano pa kaya pag kinantahan ka niya?

And yes, he knows how to sing. Kinantahan na niya 'ko dati.

"Marami lang talaga kaming ginagawa nung mga nakalipas na araw." Sagot ko rito.

"Is it because of the guy who keeps giving you threats?" Tanong nito.

Tumango nalang ako bilang sagot. Bumuntong hininga ito saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

Napailing ako nang maisip na pati ang pag galaw niya ang mahinhin. Hindi na 'ko magtataka kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama siya.

Kung sakaling magkaayos kaming lahat hindi ko parin sila iiwan. At hindi ko rin naman ugali 'yon.

"Naiintindihan kong kailangan niyo na silang hanapin sa madaling panahon pero 'wag mong kakalimutang alagaan ang sarili mo ha?" Pagpapaalala nito.

Hindi ko mapigilang matawa ng mahina.

"Opo, tatay." Sagot ko dito. Kumunot ang noo nito.

"I don't want to be your Dad!" Sigaw nito na lalong nakapagpatawa saakin.

"Bakit? Ano bang gusto mo maging ni Jhaixe? Hahahaha!" Napatingin kami kay Alecza nang magtanong ito.

"Shut up, Alecza." Pag irap ni Synn kaya natawa ako.

"Feeling ko gusto niya maging nanay ni Jhaixe. Hahahaha!" Pagsegundo ni Xhamara sa pang-aasar.

Lalong kumunot ang noo ni Synn. Lumakas ang tawanan nila nang makita ang pagkainins ng lalake.

Napailing nalang ako. Pinagtripan nanaman nila si Synn. At gaya dati, wala nanamang nagawa si Synn sa dalawa at hinayaang kawawain siya ng mga 'to.

"May gagawin ka ba Jhaixe mamaya?" Tanong ni Alecza.

"Meron eh." Sagot ko.

Napanguso ito.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon