* Someone
                              "Okay parin ba ang plano?" Tanong niya sakin. Tinitigan ko siya bago bahagyang ngumisi.
                              "Lahat na-aayon. Walang problema." Sagot ko dito.
                              Nangiti siya saka ako niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.
                              Maghintay ka lang, Jhaixe. Makukuha ko rin ang gusto ko. Alam kong napapaikot ko na kayo. Matutupad at matutupad rin ang plano ko. Magtatagumpay ako, alam ko 'yon.
                              --
                              * Jhaixe
                              Isinampa ko si Celix sa likod ko. Medyo mabigat pero kaya ko naman. Nandito naman na kami sa bahay. Naglakad ako papasok sa pinto.
                              "What the hell happened?" Nakakunot ang noo na tanong ni Mom sakin ng makitang walang malay si Celix sa likod ko.
                              "I don't know. That's what I want to ask him, right now." Sagot ko. Napahilot sa sintido si Mom.
                              "Iakyat mo na 'yan sa kwarto niya." Sabi nito kaya tumango ako saka naglakad paakyat sa kwarto ni Celix.
                              Hindi pa 'ko nakaka-kalahati ng hagdan naramdaman ko ang pagyakap ni Celix sa leeg ko. Isiniksik rin niya ang mukha niya sa buhok ko.
                              "Jhaixe..." Bulong nito na parang hinang-hina. Epekto siguro ng kung anong gamot na pinangpatulog dito.
                              Hindi ako kumibo. What? Am I supposed to call him too?
                              "I miss you, twin." Bulong ulit nito. Nakaramdam ako ng paghaplos sa puso ko. Natigil ako sa paghakbang sa hagdanan.
                              "Tsk." Napailing nalang ako at hindi na nagsalita. Nagpatuloy nalang ako sa pag akyat.
                              Inilapag ko si Celix sa kama niya nang makarating ako sa kwarto niya. Nakatulog ulit siya pagkatapos niya magsalita kanina.
                              Doon ko lang nakita ang sugat sa gilid ng labi ni Celix. Napakunot ang noo ko.
                              "Aish." Pumunta ako sa banyo niya saka kinuha ang medicine kit niyang nakatago doon.
                              Nilinis ko yung sugat niya sa gilid ng labi. Nakita ko ring may gasgas siya sa kamao kaya sinama ko na 'yon sa nililinis ko.
                              Pagkatapos na pagakatapos kong mag linis ng sugat niya ay tinago ko na ang medicine kit saka lumabas sa kwarto niya. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita ko si Mom na papalapit sakin.
                              "Lux is downstair." Pagpapaalam nito sakin.
                              "Magbibihis lang ako sandali." Sabi ko saka pumasok sa kwarto.
                              Nagbihis ako ng pambahay saka bumaba. Nakita ko si Lux na nasa sala habang nagbabasa sa libro na ituturo niya sakin. Ng maramdaman niya ang presensya ko mabilis siyang napalingon sakin.
                              "What happened?" Tanong niya, "Tita Ced told me that you came here with an unconscious Celix." Dagdag nito kaya tumango ako.
                              "As usual, it's him again." Sabi ko rito. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.
                              "I hope this will stop soon." Mahinang sabi nito.
                              Pagkatapos no'n ay nagsimula na siyang magturo sa lesson na ituturo niya. Pinilit kong i-focus ang sarili ko sa tinuturo niya pero hindi ko paring maiwasan ang pagsulyap sakanya. Ewan ko pero hindi ko mapigilan eh. Parang may magnet na humahatak saakin pero mabilis ko ring inaalis ang tingin ko sakanya para hindi siya makahalata.
                              Hoo! Easy, Jhaixe. Nag-aaral ka.
                              Katulad ng nakasanayan. Gagawa siya ng tanong na sasagutan ko para masiguradong naintindihan ko yung tinuro niya.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Untouchable ✔️
ActionThere are only two types of pain in this world. One that hurts you, And one that changes you. But through all of the pain I felt, will I fall down? Or will I remain untouchable? Book 2 of Unpredictable Started: 09/03/17 Completed: 04/25/20
