Chap 18

749 28 7
                                        

* Jhaixe

Sumakay na 'ko ng kotse pagtapos magpaalam kela Xhamara na mauuna na 'kong umuwi. Mamayang 5 pa ang uwi nila. Si Synn naman kanina pa umuwi dahil may gagawin pa daw siya. Dahil HUMMS sya 3 ang uwi niya tuwing thursday kasama GAS saka TVL. Friday naman sa STEM saka ABM. 4 labas ng lahat na junior highschool.

Sumakay ako sa kotse ko saka umalis na ng school pero hindi ako dumiretso sa bahay. Pumunta ako ng Acacia. Subdivision na ginagawa palang ngayon. Bukid iyon dati pero binenta na dahil hindi na rin natataniman.

Obviously, wala pang nakatira doon. May mga construction worker at ilang nakatayong bahay at patuloy na tinatayuan. Sa bandang dulo noon ay maraming puno. Na hindi kasama sa binili para gawing subdivision. That is why it was named Acacia Subdivision dahil siguro sa likod noon ay ang mga puno ng Acacia.

Kahapon pag-uwi ko dumiretso ako sa mirror room. Using the new software that Tita Ange built, I manage to check all the CCTV footage near the area.

And like the enemies knew I would do this, they erased every record they have. How did I know that? Halata naman na tumatalon ang video na parang may kulang.

I guess, hindi sila mga pipitsuging gang dyan. They have an access of every CCTV cameras for them to be able to delete some footage.

Letse.

Konti nalang mababaliw na 'ko. Gusto ko nalang matulog ulit ng dalawang taon. Gigising nalang ako kapag tapos na lahat. 

And while checking the CCTV footage, a note suddenly appeared in the screen.

'At Acacia tomorrow. 4pm'

Iyon ang nakalagay doon. 

They manage to sneak inside our system! MY PARENT'S SYSTEM... fvck.

Napabuntong hininga ako saka sinubsob ang ulo sa lamesa na nasa harap ko. Sino ba talaga sila? Parang ang dali para sakanila ng mga bagay-bagay. Sana pala hindi nalang muna ako gumising sa dalawang taon na pagtulog kung ganito lang din naman pala bubungad sa'kin.

And now I'm driving papuntang Acacia. Gusto ko na matapos to.

Nang makarating doon ay agad akong dumiretso sa mga puno. I know hindi nila ko kikitain sa maraming tao. Kingina. Saan ko sila kikitain dito? Malaki-laki ang lugar na to. Nakarinig ako ng tumatakbo kaya napalingon ako sa likod. Pinuntahan ko ang puno na yon. Walang tao.

Alam ko asa paligid sila. Nararamdaman ko. Napangisi ako saka kinagat ang loob ng pisngi.

"Tangina maglalaro pa ba tayo dito?" Tanong ko. Walang sumagot. 

I hissed nang may tumamang bato sa braso ko. Hindi ganoon kalakas ang pagkakatama saakin.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng bato. Then I saw him. A man wearing a tiger mask. Tumabingi ang ulo nito na parang hinahamon ako. Mabilis akong pumulot ng bato at ibinato sakanya iyon. Hindi gaya ng kanya, nilakasan ko iyon at siniguradong masasaktan siya. 

Napahawak ito sa braso niya at nakitang dumudugo iyon. Mabilis akong tumakbo palapit sakanya at sinipa ang tyan niya. Naharangan niya iyon ng braso pero napaatras siya.

"Why don't you get off of that mask?" Nanghahamon kong sabi dito.

Nakita ko ang atake nito at mabilis na naharangan ang paa niyang sisipa sakin. Hinatak ko ito dahilan para mapahiga siya. Agad kong pinagdiskitahan ang maskara niya pero agad niyang nalaman iyon at napigilan ang kamay ko.

Napadaing ako nang ihampas niya ang ulo sa mukha ko. Ramdam kong hindi niya itinodo ang pagumpog sakin. Pero pota masakit padin.

Nakatayo ito at sinipa ang tagiliran ko. Mabilis kong niluhod ang isang tuhod at siniko ang binti niya kaya napaluhod din ito. Itinama ko ang kamao sa leeg niya. Naubo ito. Rinig ko ang kakaibang tunog ng boses niya. Malamang ay nakavoice changer ito.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon