* Jhaixe
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa english teacher namin. The topic is all about 'friendship'.
Simula ng magsimula itong topic na 'to paulit-ulit na iyong tumatakbo sa isip ko.
Well yeah, I have friends. Bestfriends to consider. They are a part of me now. My second family but what is really friendship? I mean, the true definition of friendship. There are thousands. What is the main meaning? Does it have one?
These questions keep running in my mind. Suddenly, I want to seek for an answer. I want to know it.
Every person has a perspective about friendship. Kapag pinaghalo-halo ko ang mga paniniwala nila tungkol sa 'kaibigan', will I get the main definition of friendship?
"Ahm... Jhaixe?" Naputol ang pag iisip ko ng kalabitin ako ng katabi ko.
"Yes?" Tanong ko rito habang nakapangalumbaba parin.
"May gagawing seatwork. Mukha kasing wala ka sa sarili kaya kinalabit na kita." Napatingin ako sa blackboard at tama nga ito. May sinusulat ang guro sa pisara. A seatwork.
Napabuntong hininga ako saka kinuha ang english notebook ko sa bag. Nagsimula na akong kopyahin ang pinasasagutan at pilit inaalis sa isip ang kanina pa gumugulo saakin.
Hindi ko nga alam kung bakit pa ito tumatakbo sa isip ko. Dahil ba may issue ako sa mga dati kong kaibigan? Tss. I'm stressing myself for no reason.
Pinabayaan ko nalang abalahin ang sarili sa sinasagutan.
Dumating ang recess kaya mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Kumuha ako ng saktong pera para pangkain ko sa wallet saka lumabas na ng classroom.Habang naglalakad ay may humarang na babae sa harap ko. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.
Here we go again.
Nabuburyong kong tinignan si Rylie na nasa harap ko. Ano nanamang ganap ng taong 'to?
"Sabihin mo na ang sasabihin mo, Rylie. Nagugutom na 'ko." Mahinahong sambit ko.
"Always hungry, aren't we? Iniiwasan mo ba 'ko?" Natatawang sabi nito. Napailing nalang ako.
Always non sense, Rylie. Always.
Pero hinayaan ko nalang. Siguro ay kulang sa pansin ito kaya pagbibigyan ko nalang. Hindi sa nilalait ko. Is it really panlalait? Oh well, iyon lang talaga ang tingin ko, honestly speaking. Buti nga at hindi ko sinasabi sakanya iyon ng derektahan.
"Hindi kita iniiwasan. I'm just really hungry." Sagot ko dito.
Nagkibit balikat ito.
"It's okay if itatanggi mo, no problem with me. I just wish that someday, magkakasundo tayo. Kahit na may past kayo ni Lux."
Someday... Siguro nga someday.
Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Just wait. Magkakasundo rin tayo." Sabi ko. Biglang nandiri ang mukha niya na parang hindi nagustuhan ang ideyang sinabi ko.
Siya ang nag suggest 'tas mandidiri? Nice.
May mga tao lang talagang pinanganak na kasing gulo mag isip ng taong nasa harap ko ngayon.
"Uh... Let's see if that day comes." Nakangiwing sambit niya. Napailing nalang ako.
"Rylie!" Nakarinig kami ng sigaw galing sa lalake. Para itong naiinis. Napailing ako. Ito na tatay niya.
"Hi Lux! I was looking for you." Nakangiting sabi ni Rylie.
"When will you?! When will you listen to us, Rylie?! You are stressing us out!"
BINABASA MO ANG
Untouchable ✔️
ActionThere are only two types of pain in this world. One that hurts you, And one that changes you. But through all of the pain I felt, will I fall down? Or will I remain untouchable? Book 2 of Unpredictable Started: 09/03/17 Completed: 04/25/20