Chap 12

3.3K 97 40
                                    

This chapter is dedicated to and . Sorry for the long wait.

* Jhaixe

Hindi na 'ko tinigilan ni Lux simula nung isang linggo. Kung nasaan ako nandoon din siya para mangulit. Sumasakit na ang ulo ko lalo. Para akong may kasamang bata. Batang napakatigas ng ulo.

Katatapos lang ng exam kahapon. Naipasa ko na rin lahat ng projects kaya ngayon palang din ako makakabawi sa tulog.

Puyat ako ng isang linggo at dumadagdag pa si Lux. Literal talagang sumasakit ang ulo ko. Madalas narin akong nahihilo. Kailangan ko na talaga ng pahinga. Baka bigla nalang akong mag collapse dito.

"Hey, Jhaixe." Tinignan ko si Lux na bigla nanamang sumulpot sa tabi ko.

"Ano?" Tanong ko.

Wala ako sa mood makipag away ngayon. Pagod ako. Tulog lang ang gusto ko ngayon.

"Aren't you going to roll your eyes on me today, baby? Like you usually does?" Nagtatakang tanong nito.

"Bukas, hintayin mo nalang." Sabi ko dito saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey are you okay?" Tanong nito saakin.

"You're here? I'm never going to be okay." Sagot ko ulit.

"Ouch." Sambit nito sabay hawak sa dibdib kaya napailing nalang ako. Sira na 'ata tuktok nito.

Nagtuloy tuloy akong papunta sa kotse ko.

"Hey, wait!" Sigaw nito saka ako hinawakan sa kamay para tumigil. Wala akong nagawa kundi ang humarap sakanya.

"Lux, I'm not in the mood okay? I just want to sleep. Nanlalamya ako." Sambit ko dito.

"Do you want to eat first before you go home?" Tanong nito.

Sasagot palang ako ng magsalita nanaman siya.

"Why am I asking when I know you'll say no? Tsk."

"Buti alam mo." Sambit ko dito. Napakamot naman siya sa ulo.

"Sige na nga and take a rest. Bukas nalang kita kukulitin." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. So inaamin niya trip talaga niya 'kong kulitin? Tss.

Napailing nalang ako saka maglalakad sana papunta sa kotse ko ng mahilo ako. Naghanap agad ng makakapitan ang kamay ko pero bago pa 'ko makahanap may naramdaman na 'kong humawak sakin.

Lalong kumirot ang ulo ko. Dumilat ako pero wala na 'kong makita. May kung ano pang nakakabingi sa tenga ko.

May bumuhat saakin at doon na 'ko nawalan ng malay.

--

Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa kamay ko. Nilibot ko ang tingin ko at nakitang nasa kwarto ko ako.

Tumingin ako sa taong may hawak ng kamay ko.

It's Lux.

"Thank god you're awake." Pag buntong hininga nito sakin kaya napakunot ang noo ko.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Nawalan ka ng malay kanina. Dito kita dinala sa bahay niyo kasi nabanggit mong ayaw mo sa ospital. Tinawag nalang namin si Tito RD para i-check ka. Pagod ka lang daw kaya nawalan ka ng malay." Sagot nito.

Dahan-dahan akong umupo. Agad naman siyang umalalay sakin.

"You can go now." Sabi ko rito.

"Grabe naman! Alis agad?! Pagkatapos kitang dalhin dito saka alagaan." Kinunutan ko ito ng noo.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon