Chap 17

646 26 4
                                    

Jhaixe

Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ko.

"Atwe?! Are you still a-asweep, atwe?!" Rinig kong sigaw sa labas. Tumingin ako sa orasan.

"Atwe! Aren't you go-going to school?" Patuloy na pagsigaw ni Fixx habang kumakatok.

Napabalikwas ako ng tayo dahil sa sinabi niya. Tumingin ulit ako sa orasan.

6:37 AM.

"Shet!" Mabilis ako tumayo. Nabuhol pa sa paa ko yung kumot kaya sumubsob ako sa sahig.

Ah! Saket ah!

Tumigil sa pagkatok si Fixx sa pinto.

"Atwe are you- are you okay?" Inosenteng tanong nito. Napahawak ako sa pisngi ko.

"Y-yes, baby." Sagot ko rito.

"Rweallyyy?" Tanong nito.

"Opo." Sagot ko. Tumayo ako saka binuksan ang pinto. Bumungad sakin si Celix na naka-uniform at buhat-buhat si Fixx.

"What happened to you?" Nagtatakang tanong ni Celix na narinig siguro ang kalabog kanina dahil sa pagkakahulog ko.

"Wala naman." Sagot ko rito.

"Papasok ka ba?" Tanong niya. Tumango ako.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko rito habang kinukuha si Fixx sakanya na nagpapakarga sakin.

"Tinignan ko lang kung aabsent ka ba o late lang talaga." Sagot nito.

"Bakit hindi mo 'ko ginising agad?" Tanong ko rito saka lang siya tinignan.

Nagkibit balikat ito.

"Kanina ka pa namin tinatawag pero 'di ka sumasagot." Sagot nito.

Napailing ako.

"Pasok ka na." Sambit ko dito saka inilapag si Fixx sa kama ko saka binigay dito ang speaker ko saka nagpatugtog doon para hindi ito maglikot.

"D'yan ka lang sandali ha? Maliligo lang sandali si Ate. Or do you want me to bring you downstairs?" Tanong ko rito.

Lumipat ang inosenteng mata nito mula sa speaker papunta saakin. Umiling ito.

"I'll b-bwehave here, atwe." Sambit nito. Hinalikan ko ito sa noo saka nagmamadaling pumasok ng banyo. Binilisan ko na ang pagligo. Huta, ligong aso. Maliligo nalang ulit ako mamaya pag-uwi.

Nang matapos sa ginagawa sa banyo ay dumiretso ako sa closet ko saka kumuha ng susuutin.

"Damn! Where's my other sock?" Bulong ko saka napasabunot sa buhok ko.

Hindi pa pala 'ko nagsusuklay! Kinuha ko ang suklay ko saka nagsuklay habang hinahanap ang medyas ko.

"Are you in a hurry, atwe?" Nagtatakang tanong ni Fixx habang nakaupo kung saan ko siya iniwan kanina. Hawak-hawak parin nito ang speaker ko.

"Yes, baby. 'Cause ate will be late for school na." Sagot ko habang naghahanap parin ng medyas.

"Oh, ish that so." Sambit nito.

Nang mahanap ang medyas ay itinigil ko muna ang pagsusuklay at hinayaang nakasabit ang suklay sa buhok ko.

Pagtapos ko suutin ang sapatos ay mabilisan akong nagpulbos ng mukha. Nagpabango ako saka sinabit sa isang balikat ko ang bag.

"Come here na, baby. Ate is going to school already. I'll bring you to mommy." Sabi ko saka siya binuhat.

"Okay po!" Sambit nito. Pinatay ko ang speaker saka ang aircon. Lumabas na 'ko ng kwarto saka mabilis na bumaba.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon