Chap 3

6.1K 222 87
                                    

This chapter is dedicated to:

goddesslli01

XxtotzkiexX

Jein_Kook

RysseYu

jhopie_kookie

naiomie26

Pinklishy

* Jhaixe

Agad akong nakabawi sa pagkagulat. Bahagya ko siyang tinulak pero hindi ganon kalakas.

"What are you doing?" Tanong ko. Nakayuko lang siya habang nasa harapan ko.

"Jhaixe..." Mahinang sabi niya. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita kaya tinaas ko ang kilay ko.

"Ano? May sasabihin ka ba? Aakyat pa 'ko." Sabi ko.

Ayoko ng magtagal dito. Medyo hindi ko gusto tibok ng puso ko eh. Ba't parang biglang nagreact katawan ko. Parang mas gusto ko yung wala akong nararamdaman.

"I-I'm sorry." Mahinang sabi niya. Sa sobrang hina hindi agad pumasok sa tenga ko.

Tumango ako saka hinintay siyang magsalita ulit pero wala nanaman siyang dinugtong.

"Pwede na ba 'kong umakyat?" Tanong ko. Kita kong napakagat siya ng labi.

"Don't do this to me, please." Nagmamakaawa niyang sabi habang nakayuko parin.

Napalunok ako.

"Sinabi ko ba sayo 'yan nung mas pinili mo siya sakin?" Tanong ko sa malamig kong boses. Hindi ko na 'ata kilala sarili ko. Hindi ko na maintindihan.

He pursed his lips then sigh.

"J-Jhaixe..." May gusto akong gawin ng marinig ko ang lungkot sa boses niya. Gustong-gusto kong gawin na ayoko.

Magulo ba? 'Wag kayo mag-alala. Naguguluhan din ako sa sarili ko.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko. Sa totoo lang pwede naman akong umalis na. Pero bakit hindi ko ginagawa? Bakit nagpapaalam pa 'ko sakanya? Bakit kailangan ko pa ng opinyon niya? Para hindi siya masaktan? Sinosobrahan ko nanaman ba ang pagiging mabait ko?

Masama rin ang sobrang bait. Madalas kang naaabuso. Nakakadala.

"Okay. Wala na." Sabi ko saka siya nilampasan.

Nag paalam ako kay Mom na aakyat lang sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko saka tinitigan ang kisame. Namiss ko 'to. Itong kisame ko. Madalas ko rin 'tong tinititigan dati eh.

Pag naiisip kong dalawang taon akong nawala dito nanghihinayang ako. Sobrang nanghihinayang ako. Yung sana isang taon nalang college na 'ko. Kasabay sila. Yung mga panahon na sana nakita ko paglaki ni Fixx. Yung mga panahon na kasabay ko sanang gagraduate yung mga kaklase ko dati. Yung mga panahon na mas marami sana 'kong napractice na sayaw.

Ang daming nasayang na panahon. Pakiramdam ko napagiiwanan na 'ko.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa isipang 'yon. Gusto kong makahabol. Gustong-gusto kong makasabay sakanila pero alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa iyon.

Dalawang taon. Ganoon katagal ang nasayang na panahon saakin.

Natatangahan ako sa sarili ko. Kung sana mas lumaban pa 'ko edi nasa tama ang oras ko ngayon.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon